Chapter 1

18.4K 562 20
                                    

Tony's Pov

Sabay kaming tatlo na pumasok nina Jenna at Meyon sa isang sikat na unibersidad dito sa maynila.




Napagpasyahan rin naming magpanggap bilang isang nerd , Yung naka eyeglasses at brace.





Hindi naman talaga sana ako papayag na magpanggap ng ganito eh, ideya kasi ito nina Jenna at Meyon, iwan ko ba sa mga 'yan Kung ano'ng nakain at naisip na magganito ng hitsura kaya Wala na akong nagawa kundi pumayag nalang sa gusto nilang mangyari.






Ako nga pala si Tony Embasio ,18 years of age , nasa second year college na ako ganon din ang dalawa. Hindi ko na e- dedescribe pa Kung ano ako basta isa lang ang Alam ko sa sarili ko. I'm gay.






Papasok na kami ngayon sa napakalaking gate ng unibersidad na aming papasukan.







Habang naglalakad kami ay napansin namin na halos lahat ng estudyante ay sa amin nakatingin na para bang isa kaming basura dahil sa uri ng tingin nila na parang nandiri.








May naririnig pa akong mga bulungan na 'bakit daw tumatanggap ang school na ito ng mga basurang kagaya namin' bakit daw dito kami nag aaral eh mga low class at Wala daw kaming lugar sa school na ito.







Paki ba nila Kung dito kami mag aaral? Sila ba ang nagpapaaral sa Amin?






Hays, buti nalang nakapagpigil pa ako.







Pagtingin ko sa mga kasama ko , ayon parang ako lang din na pinipigilan ang sariling sugudin tong mga mapanghusgang estudyanteng ito.







Hindi nila kami kilala.








Baka pagsisisihan nilang binuhay pa sila sa mundong kinatatayuan nila pagbinangga nila kami.









Hindi nalang namin sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad patungo sa classroom namin.









"Kaloka yung mga estudyante dito ! Kung makapanglait akala mo Kung sino, kung hindi lang ako nagpipigil kanina malamang nasa hospital na sila ngayon." Biglang sabi ni Jenna habang naglalakad kami.









"Correct! Hindi nila tayo kilala kaya dapat mag ingat sila sa atin." Sengunda naman ni Meyon.







Hindi na ako nagsalita at nagpatuloy lang sa paglalakad.







Ilang minuto rin naming hinanap ang classroom namin hanggang sa narating  namin ito.






Pagpasok na pagpasok namin ay lahat ng atensyon nila napunta sa Amin.






Kagaya ng mga estudyante kanina ay ganon  din sila.







Ang tatalim ng mga tingin sa Amin ng mga babae at yung iba talaga ay diring-diring na talaga bang takot na mahawakan namin.







Yung mga lalaki naman ay natatawa habang nakatingin sa Amin.








Hindi nalang namin sila pinansin at dumeretso sa tatlong upuan na nasa pikalikod para doon umupo.








Hindi parin nawawala ang mga nandidiring mga tingin nila sa Amin hanggang sa makaupo na kami.







"Pigilan niyo Kong sugurin ang mga bruhang yan" gigil na bulong ni Jenna sa amin.






Natawa naman ako ng mahina.







"Kasalanan niyo naman ito eh, kung hindi tayo nagpanggap na magmukha ng ganito edi sana hindi tayo ang center of attraction ngayon."kuda ko naman sa kanila.









"Gusto lang kasi naming subukan Kung ano ang ugali ng mga estudyante dito at tulad nga ng inaasahan, ang sasama ng ugali nila." Sabi ni Meyon.







"Palibhasa mga spoil brat kaya ganyan Yung mga ugali." Sengunda naman ni Jenna.







Napailing nalang ako sa sinasabi ng dalawang to.






Hindi nagtagal ay dumating na ang unang guro namin at siya rin ang aming adviser.







Katulad ng ginagawa kapag first day of school  ay ganon parin ang ginawa namin. Introduce yourself lang at samahan pa ng ilang kwentohan.









Pagdating ng lunch break ay sabay na kaming pumunta sa cafeteria.







Ang sarap tusukin ng chopsticks Yung mga mata nila.









Kung makatingin wagas.









Omorder nalang kami at humanap ng mauupuan.









Habang kumakain kami ay may grupo ng mga babae ang pumunta sa Mesa Kung saan kami.









Nasa Lima sila at Kung titignan mo ang mga ito ay mahahalata mo na mga maldita talaga.








"Ano ang ginagawa ng mga nerds na katulad niyo dito sa paaralang to?" Nakataas kilay na tanong sa Amin  nung nasa gitna na babae na mukhang nang-iinsulto,mukhang siya rin ang leader sa kanilang Lima.







Hindi namin sila pinansin at patuloy Lang kami sa pagkain.






"Wag kayong bastos, kinakausap namin kayo!" Bulyaw na naman ng leader nila sa amin.



























Ah ganon?

____________________________________
Vote and Comment🙏

Gangster Gay✓Where stories live. Discover now