Chapter 30

5.8K 323 2
                                    

Akala guro nila na sila ang babarilin ko.

Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at sinabihan na silang umalis .

Nang makalabas kami ng bahay ay nagimbal ako sa mga taong naroon.

Napahinto rin sila Kuya Aljon, Kuya Aljon,tito at si tita.

Mababakasan mo sa mukha nila ang kaba at takot habang nakatingin sa harapan namin.

Habang ako naman ay galit!

Nabuhay muli ang galit na nakulong sa loob ko ng mahabang panahon.

Nakatingin lang ako sa kanila , lalong lalo na kay Dexter at sa taong sanhi ng aking malaking galit.

Ang taong walang awang pumatay sa mga magulang ko!

Biglang nagsalita si Arnold.

"Kumusta Tony? " Nakangiting demonyong tanong nito sa akin na lalo ko pang ikinagalit.

Hindi ko ipinakita sa kanila ang galit na nararamdaman ko ngayon.

Tiningnan ko sya tsaka nginitian rin.

"Buhay pa naman Arnold! Hindi mo kasi ako napatay nung pinaslang mo ang mga magulang , sayang naman." Nagkuwaring Masaya kong sagot sa kanya tsaka naglungkot lungkutan pa ako ng sabihin ko ang huling salita.

Kita ko naman ang pagkainis sa mukha niya ng sabahin ko yun ngunit mabilis ring napalitan ng ngisi.

Tahimik lang na  nakikinig ang apat sa may likod ko.

" Siguro noon hindi kita napatay pero pano kaya ngayon? Makaligtas ka pa kaya?" Nakangisi pa rin niyang sagot.

Lihim akong napangiti ng makita ko sina Jenna na kasama ang mga ka gang namin na nasa di kalayuan  at naghihintay naghihintay lang ng senyas ko.

Tinawanan ko pang siya na siyang ikinataka nito.

"HAHAHA! Gaano ka nakakasigurong mapapatay mo 'ko ngayon?" Tumatawa ko paring tanong sa kanya.

Bigla namang nagsalita si Dexter sa gilid Niya.

"Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang naging leader ng Blood Moon Gang, bukod sa matapang ka ay nagawa mo pang tumawa kahit nasa bingit ka na ng kamatayan." Sabi niya na kampanting kampanti lang.

"Alam mo? Titikman pa sana kita eh kaso wag nalang dahil mamamatay ka na naman ngayon." Dugtong pa niya ng nakangisi.

Ew! Kadiri.

Anong titikman? Yucks!

" Yucks !  Pipiliin ko pang mamatay kesa magpatikim sayo! Ew! Ayaw kong pumatol sa lalaking kagaya mo!" Diring-diri kong sagot sa kanya.

Kita ko pa ang pagtagis ng bagang niya ng marinig niya ang sinabi ko at makita ang reaksyon kong diring-diri sa sinabi niya.

"Tama na Ang daldalan! Wala ka na rin namang magagawa dahil mamatay ka lang din naman ngayon!" Sabat ni Arnold sabay bunot ng baril niya.

"Ooops! Teka lang! Excited lang ?" Nakangisi kong pigil sa kanya.

Doon ko na senenyasan sina Jenna na kumilos na kaya pinaputukan agad nila sila Arnold na siyang ikinagulat nila.

Maraming namatay sa mga kasamahan nila ngunit nakatakas parin ang mag-ama.

Ngunit hindi ako titigil hanggang hindi ko nakukuha ang hustisya sa ginawa nilang pagpaslang sa mga magulang ko.

Hindi ako titigil hanggang hindi ko sila napapatay.

Napapatay sa mismong mga kamay ko.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Donde viven las historias. Descúbrelo ahora