Chapter 29

5.8K 319 3
                                    


Matapos kong umuwi kanina ay dumeretso agad ako sa kwarto ko.

Hindi ko alam kong tama ba yung ginawa ko kaninang pakikipaghiwalay kang Leonard.

Tama bang hindi ko siya hinayaang magpaliwanag.

'Bakit mo pa siya  hahayaang magpaliwanag eh kitang-kita ng dalawang mata mo kung paano ka niya pinagtaksilan.' sabat naman ng utak ko.

Nasa ganon akong pag-iisip ng tumunog ang cellphone ko.

Agad ko itong sinagot ng makita kong si Jenna ito.

"Hello Tony! May sasabihin ako sayo ! Nagsimula ng kumilos ang Gang ng Whiteshadow Gang!" Biglang sabi ni Jenna ng sagutin ko ang tawag niya.

Bakit nakikisabay patong mga p*steng to sa problema ko?

"Okay magki- " naputol ang dapat kong sabihin ng may narinig akong putok ng baril sa baba.

Shit! Talagang kumikilos na nga sila.

"Hello Tony?! Nandyan ka pa ba?! Anong nangyari?!" Tarantang tanong sa akin ni Jenna sa kabilang linya.

"Sumugod na dito ang Whiteshadow Gang ngayon! " Pagkasabing-pagkasabi ko nun ay agad ko nang binaba ang tawag tsaka pumunta sa drower sa may study table ko at kinuha ang baril don.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto tsaka tinungo ang baba.

Nang makarating ako dun ay nakahandusay na ang gwardya namin malapit sa gate.

Nakakita ako ng isang miyembro nila at aktong babarilin na niya ako ng maunahan ko.

Tsaka nagtago sa likod ng supa.

Kita ko naman sina Kuya Aljon at Kuya Alfred sa kabilang malaking supa na may hawak ding baril kasama si Tita at tito at halata mo sa mukha nila ang labis na kaba.

Nagulat pa nga sila ng makita ako na may hawak na baril tsaka napalitan ang ekspresyon ng mukha nila na parang nagtatanong ngunit hindi ko nalang sila pinansin at binaril ang isang lalaking papalapit sa pwesto namin.

Senenyasan ko silang sumunod sa akin na agad naman nilang nagets.

Papunta na sana kami sa may kusina upang tumakas ngunit may sumulpot na tatlong armadong lalaki sa harap namin.

Napaatras ako ng kunti ng makita ko silang papalapit sa amin at may hawak na mga patalim.

Aktong susugod na sila ng bigla kong barilin yung isa ngunit nasugod na ang dalawa at aktong sasaksakin na ako ng umiwas sabay sipa sa sikmura niya kaya natumba siya sa sahig dahil sa lakas ng sipa ko.

Babarilin ko na sana siya ng may sumipa sa kamay kung may hawak na baril kaya nabitawan ko ito.

Aktong sasaksakin na niya ako ng yumuko ako sabay bumwelo ng suntok papunta sa sikmura niya sabay sipa sa gitna ng dalawa niyang hita kaya napaluhod ito dahil sa sakit na nadama.

Nang makabawi naman ng lakas yung isa ay sinugod agad ko at nagpakawala ng isang malakas na suntok ngunit naiwasan ko agad ito at pumunta sa may likod niya sabay sipa sa kanang hita niya kaya napaluhod ito.

Sumampa ako sa likod saka hiwakan ang ulo niya sabay bali ng leeg niya dahilan upang malagutan ito ng hininga at mawalan ng buhay.

Susugod na din sana yung isa ngunit mabilis akong gumulong sa sahig sabay pulot sa baril kong nabitawan kanina at walang pag-aalinlangang pinutok ito papunta sa kalaban at boom! Patay!.

Nang tumingin ako sa dereksyon nila kuya Alfred ay nakatulala sila sa dereksyon ko na wari hindi makapaniwala sa mga nakikita nila.

Nabalik lang sila sa kanilang tamang pag-iisip ng itinutok ko sa kanilang dereksyon ang hawak kong baril.

Kita ko ang gulat, kaba at takot sa mukha nila ngunit hindi ko ito pinansin at pinutok ang baril .

Nang makikarinig sila na parang may bumagsak sa likod nila ay napatingin sila doon at napahugot sila ng malalim na hininga.

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon