Chapter 20

6.4K 348 10
                                    

Nang dumating na ang aming Prof ay nagsibalikan na sina Alice at Angel sa kanilang mga upuan.

Bulong klase ay walang pumasok ni isang salita na tinuro sa Amin.

Iniisip ko parin yung kenkwento sa Amin ni Angel kanina.

Natigil Lang ako sa pag-iisip ng biglang mag text sa akin si Leonard Kaya excited ko itong binuksan.

Hi babe, sorry Kung hindi Kita masusundo Jan sa classroom niyo at hindi tayo makakapasabay na kumain ng lunch, bigla kasi akong pinauwi ni daddy sa amin at may importante daw siyang sasabihin sa akin. Sorry talaga babe 😔, babawi nalang ako ! Iloveyou!☺️😍💕

Nang mabasa ko ang text Niya ay lalo akong nalungkot.

Hindi ko nalang siya nireplyan at inaya nalang sila Jenna, Meyon, Alice at Angel na sa labas nalang kami kakain, total Wala naman kaming klase ngayong hapon dahil may meeting daw ang teacher ay napag-pasiyahan naming mag mall.

Pagkatapos naming kumain ay maglaro pa kami sa timezone.

Nang mapagod kami ay napagpasyahan muna naming magpahinga saglit.

"Ahmm, guys cr muna ako kanina pa kasi ako naiihi eh." Paalam ko sa kanila.

Gusto pa sana nila akong samahan pero hindi na ako pumayag.

Habang naglalakad ako patungong Cr ay naramdaman Kong parang may sumusunod sa akin .

Hindi ko nalang ito pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalakad patungong banyo.

Ng matapos akong mabanyo ay lumabas na ako sa cubicle Kung saan ako umihi.

Naghugas muna ako ng kamay sa sink at naghilamos.

Lalabas na sana ako nang nagulat  ako sa taong biglang pumasok sa loob ng cr.

No! Hindi!

Bakit siya nandito.

Nang makita ko siya ay nabuhay ang galit na matagal na nakatago sa loob ko.

"Hi Tony long time no see ah.!" Nakangiti pa nitong bati sa akin at aktong lalapitan niya ako ng pinigilan ko siya.

"Anong kailangan mo?" Walang emosyon Kong tanong sa kanya.

Ngumisi naman siya bago nagsalita.

"Well, gusto ko Lang sabihin sayo na malapit ka nang maging akin." Nakangisi paring sa sabi nito sa akin.

"Anong pinagsasabi mo Dexter?! Hindi ako naging sayo at kahit kailanman ay hinding-hindi ako magiging sayo!" Galit na sabi ko sa kanya.

Bigla naman sumeryoso ang mukha niya at tinignan ako ng masama.

"Ito ang tatandaan mo. Walang Sino man ang nagmamay-ari sa iyo kundi ako Lang , akin kalang Tony! Akin kalang tandaan mo Yan." May diing sabi nito sa'kin bago siya lumabas ng banyo.

Nang makabalik na ako sa mga kaibigan ko ay sinengyasan ko sila Jenna at Meyon na may sasabihin akong importante sa kanila.

Nagpaalam muna kami kina Angel at Alice at sinabing  bibili muna kami ng ice cream.

"Nandito si Dexter sa mall at kinausap Niya ako kanina sa banyo." Sabi ko sa kanila ng makalayo kami sa dalawa.

Halata naman sa mukha nila ang gulat at kaba ng marinig nila ang sinabi ko.

"What?!! Ano naman ang pakay sayo nung leader ng Whiteshadow Gang?! Bakit ka Niya kinausap?!" Gulat na tanong sa akin ni Jenna.

"Mamaya ko nalang sasabihin sa inyo, kailangan na nating umuwi upang pagplanuhan ang ating gagawin ." Sumang ayon naman sila.

Binalikan namin ang dalawa at inayang umuwi na.

Habang palabas kami ng mall ay may nahagip ang mata ko.

Bakit siya nandito?

Sabi Niya umuwi siya sa kanila ?

A-at s-sino yang babaeng kasama Niya?

Bakit siya nakaakbay dito?

Siya ba si Shantal? Yung sinabi ni Angel na ex Niya?

Nagkabalikan naba sila?

Bakit kailangan pa niyang  magsinungaling sa akin uuwi Lang siya sa kanila?

Biglang may parang tumusok sa puso ko ng makita ko sila.

Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin Leonard?

Bakit?

____________________________________
Vote and Comment 🙏

Gangster Gay✓Where stories live. Discover now