Chapter 6

9.4K 451 1
                                    

Chap.3.1

Walang katao tao dito kaya hinarap na namin ang mga lalaking kanina pa nakamanman sa Amin.

Limang lalaki ang nabungaran namin pagharap naming tatlo.

"Ano'ng kailangan niyo?" Malamig na tanong ni Jenna sa kanila.

"Kayo! Sumama nalang kayo sa Amin Kung ayaw niyong masaktan!" Sagot sa amin nung lalaking nasa gitna.

Malalaki ang kanilang katawan at nakaitim silang lahat.

"Paano Kung ayaw namin?" Pabalang na tanong ni Meyon sa kanila.

Ngumisi sila bago sumagot.

"Mapipilitan kaming saktan kayo para lang sumama kayo sa Amin." Sagot nung isa habang nakatingin sa Amin ng malagkit at may padila dila pa sa labi Niya.

Ew! Kadiri!

Ngumisi ako sa kanila.

"Bakit di niyo na simulan?" Nakangisi ko paring sabi sa kanila.

Bigla silang sumugod sa amin kaya lalong lumawak ang pagkakangisi ko.

Nilagay ko muna sa gilid Yung mga pinamili ng dalawa saka ko binalingan ang tatlong lalaki sa harap ko.

Sumugod sa akin Yung tatlo at yung dalawa ko namang kaibigan ay nakita Kung nakikipagbugbugan na at parang wala lang sa kanila ang mga kalaban nila.

Binaling ko ang tingin ko sa mga lalaking nakaharap sa akin ngayon.

Sabay-sabay silang sumugod sa akin.

Umiwas lang ako sa mga suntok at sipa nila na para bang sumasayaw.

Patuloy Lang sila sa pagsugod sa akin at patuloy lang din ako sa pag iwas hanggang sa mapagod sila.

"Done?" Malamig Kong tanong sa kanila.

Hindi paman sila nakasagot ay mabilis Konang sinuntok ang sikmura nung isang lalaki sabay sipa naman dun sa isa.

Nagulat sila sa bilis ko pero hindi ko na sila pinansin at binalingan ang isa sabay hawak sa kamay Niya ng aktong susuntukin  ako sabay pinilipit ko ito patalikod dahilan para mapayuko siya kaya nakagawa ako ng pagkakataon at malakas na tinuhod Yung mukha niya kaya napahandusay siya sa lupa at nawalan ng malay.

Mabilis ko naring pinatumba yung dalawa pang natira ng walang kahirap hirap.

Parang hindi man lang ako pinagpawisan sa kanila.

Nang matapos ko ng patumbahin Yung tatlo ay tiningnan ko Yung dalawang kaibigan ko at ganon din Yung mga kalaban nila, nakahandusay na sa lupa at Wala naring malay.

"Tsk! Ang we-weak naman ng mga ito, hindi man lang ako pinagpawisan!" Inis na sabi ni Jenna.

Napatawa naman ng mahina si Meyon sa sinabi niya.

Binaling nila ang tingin sa akin.

"Wala ka paring kupas pagdating sa pakikipagbakbakan, pinatumba mo lang silang tatlo ng walang kahirap hirap." Naiiling na sabi ni Meyon na may halong pagkamangha.

"Sinabi mo pa!" Segunda naman ni Jenna.

Binigyang ko lang sila ng blankong tingin saka sila tinalikuran sabay pulot dun sa mga pinamili nila at naglakad na patungong parking lot.

Sumunod naman sa akin Yung dalawa at iniwan na ang mga lalaking Wala paring malay.

____________________________________
Vote and Comment 🙏


Gangster Gay✓Onde histórias criam vida. Descubra agora