Wrong place at the wrong time

236 19 4
                                    

Twenty Three : My Vampire Lover 💐

Wrong place at the wrong time



"MAAARI NA ba kaming umalis, Pops?" tanong ni Jin habang hinihilot ang sintido nito. Tila sumakit ang kaniyang ulo sa pakikipag usap sa kanilang ama.


"Bakit aalis kayo agad? Ito ang unang beses na nakita at nakilala ko si Eli, dito na muna kayo magpalipas ng gabi." suhesyon ng kanilang ama.


Lahat sila ay nag-aalalang tumingin sakin. Ngumiti na lang ako sa kanila bilang tugon.


"Pero... safe po ba para sa magkakapatid ang manatili dito? Lalo na po sa kaniya." turo ko sa gawi ni Jungkook. "Marami pong mga normal na tao ang nandirito, baka po biglang magkaroon ng problema." paliwanag ko.


"Huwag kang mag-alala, Eli. The floor is only exclusive for me and my sons. Pwedi kayong manatili dito, and beside mas marami kayong pweding gawin rito. I'm sure you'll only be bored if you stay in the mansion. It's just for tonight." wala akong choice kung hindi pumayag sa gusto nito. I can't say no to him, ang hirap tumanggi pag siya ang nakiusap.


Nagpalitan ng tingin ang magkakapatid before sighing in defeat. "Just for tonight. We'll leave first thing in the morning." Suga said.


Agad na sumilay ang ngiti sa labi ng kanilang Ama. "Good. It's been a while since you stayed with me anyways." lumakad ito sa gawi ko. "And Eli, akala ko ba nasabi ko na sayo na tawagin mo akong Daddy?" he bent over my shoulder.


Napaigtad ako dahil doon bago dahan-dahan na lumingon sa kaniya. "P–pero...hindi niyo naman po ako tunay na anak, Sir." nahihiyang sabi ko.


Sa totoo lang ay inakala kong nagbibiro lang siya kanina. 


Ang awkward kasing tawagan ko siyang daddy gayong hindi naman nila talaga ako ka anu-ano. And beside, one of his sons call him old man, at ang iba naman ay tawag sa kaniya ay pops. Nakakahiya naman kung sino pa ang hindi niya tunay na anak ang siya pang tatawag ng daddy sa kaniya, diba?


"You will be..." nakangiting sabi niya bago tumungin sa gawi ni Jungkook na agad namang umiwas ng tingin.


"Please do stop teasing her."reklamo ni Suga. "She'll call you Mr. Damon and that's that."


"Well she'll learn to call me that soon. After all, wala man lang kahit isa sa inyo na tumatawag sakin ng daddy. Sobrang formal pakinggan ng Father, para akong isang Pari sa simbahan tuwing naririnig ko 'yon. Hindi rin magandang pakinggan ang Pops para akong lollypops at lalung-lalo na ang old man sobrang nakakawalang galang, it's so disrespectful." aniya na seryoso.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon