Unbearable Pain

182 12 14
                                    

Thirty Nine: My Vampire Lover 💐

Unbearable Pain




THE WEEK PASSED by so quickly.


Sa isang linggong 'yon ay nakakulong lang ako sa loob ng aking kwarto. Hindi rin ako pumapasok ng paaralan, I probably missed a lot.


Hindi kasi naging mabuti ang aking pakiramdam nitong nakalipas na mga araw, idagdag pa ang pagdating ng aking monthly period.


Pero kahit paano ay nakahinga ako nang maluwag sa isipang hindi ako buntis. Akala ko kasi ay nagbunga ang unang pagtatalik namin ni Jungkook, mahigit isa't kalahating buwan na kasi akong delayed.


Ang gusto ko kasi kung magkakaroon man kami ng anak ay iyong gusto namin pareho at wala nang mga problema. Ayokong matulad ang magiging anak ko sa ginawa ni Lucian kay Jungkook at Ina nito. Baka di ko makayanan.


Alam kong na wi-weirdohan na sakin ang magkakapatid, pero hinayaan lang nila ako, isa rin 'yong dahilan kung bakit lalo akong nagkukulong sa kwarto at hindi ko sila pinapapasok sa loob, wala kasi akong mukhang maiharap sa kanila sa nangyari samin ni Jungkook.


Madalas ay iniiwan ni Jin ang pagkain ko sa labas ng kwarto, pa minsan-minsan ay nag-iiwan rin sila ng mga sulat sa papel, in case they wanted to tell me anything since we couldn't take any risks at all.


At ang pinaka weirdo atang nagawa ko ay nang minsang utusan ko si Jin na bilhan ako ng sanitary napkin.


'Nong una ay sobra siyang nagreklamo at sobrang namula ang mukha at tenga niya habang nagrereklamo kung bakit siya daw ang inuutusan ko.


Ang sinabi ko na lang ay siya kasi ang panganay kaya sa kaniya ko sinasabi ang kaylangan ko, kinunotan niya ako ng kilay pero kalaunan ay sumunod din siya at binilhan ako ng iba't-ibang brand ng napkin.


Nagulantang ako nang makita kong dalawang malalaking supot ang bitbit niya. Ang dahilan kasi niya ay hindi raw kasi niya alam kung alin 'don ang gamit ko kaya binili niya lahat nang brand ng napkin.


Sobrang pagpipigil ang ginawa ko 'non para lang huwag matawa, baka lalo kasi siyang magalit. Kaya pinabayaan ko na lang at nag pasalamat.


Now everything was finally back to normal.


Ready na kaming lahat para sa aming night class. Naligo lang akong ng mabilis at nagbihis ng aking school uniform. Pagkatapos masuot ang aking sapatos ay bumaba na ako kung saan naghihintay na sakin ang lahat.


"It's been a while since we've seen you wearing your uniform." salubong sakin ni Namjoon pagbaba ko.


"Kaya nga, e. Na miss ko nang pumasok sa school. Did I miss a lot?" tanong ko.


My Possessive VampireWhere stories live. Discover now