Cousins

132 13 3
                                    

Sixty one: My Vampire Lover 💐



Cousins



ANG DAMING what ifs ang gumugulo ngayon sa isipan ko.

What if my father isn't just a friend but a brother of miss Elaine?

Ibig sabihin ba 'non ay pinsan ko sila? Sa tuwing naiisip ko ang bagay na 'yon, parang lalo atang sumasakit ang ulo ko. Parang hindi tamang pakinggan.

"Magpahinga na tayong lahat, bukas na lang natin 'to pag-usap." Sabi ni Jin. "Huwag mo munang pakaisipan ang bagay na 'yan Eli," sabi niya sakin.

Lumingon ako sa kanilang lahat at bakas din sa mukha nang mga ito ang malalim na pag-iisip, marahil ay tungkol iyon sa larawan. Pero sa kanilang lahat ang higit na apektato ay si Jungkook. He really looks as worried as I am. Syempre, sino ba ang hindi? Kung anu-ano nang kalokohang ginawa namin sa isa't isa.

Nagtungo na ako sa aking kuwarto, naghilamos at nagpalit ng pantulog, sinubukan kong makatulog pero hindi effective. Kahit ata anong gawin ko ay hindi ako mapapanatag hangga't hindi ko nalalaman ang sagot sa larawang nakita namin.

I hardly got any sleep. Madilim pa sa labas nang tumayo ako. Muli akong naligo at nagbihis bago naisipang bumaba.

Pagdating ko sa kusina ay nakita ko si Jin at Jimin. "Bakit ang aga niyong nagising?" tanong ko.

"Ganyan din sana ang itatanong namin sa'yo."  Jimin chuckled.

"Can't sleep, ang daming tanong ang gumugulo sa isipan ko mula pa kagabi." simangot ko.

"Sino ba kasing nagsabing mag overthink ka, diba?" sabi ni Jin habang inaabot sakin ang apron na madalas kong gamitin.

"Kahit na... nakakabaliw kaya." sabi ko habang sinusuot ang apron.

"Jungkook? Maaga ka ring nagising?" sabi ni Jimin. I looked at the kitchen entrance and I saw a drowsy looking Jungkook rubbing his eyes.

"I couldn't sleep." he yawned.

"Hindi ka nag-iisa." turo ni Jin sa gawi ko. "Anyways, gusto mong tumulong?"

Jungkook simply nodded. Kaya't kaming apat ang naghanda ng almusal at hindi nagtagal ay isa-isa nang dumadating ang magkakapatid.

"You look horrible." puna sakin ni Suga.

"Thanks a lot Suga." I rolled my eyes at him.

Pagkatapos naming kumain, kanya-kanya na kaming nag-ayos at naghanda pagpunta sa office ni Mr. Damon.

Buong byahe ay hindi ako mapakali, hindi ko malaman kung ano bang mararamdaman ko dahil sa sobrang kaba.

"Hey, relax ka lang Eli. You're worrying too much." sabi ni Namjoon.

Napabuntong hininga ako. Marahil ay hindi nila naiintindihan kung anong nararamdaman ko. I had sex with Jungkook and now I'm just going to discover the possibility that he and I might be related?! That's just loads of crap!

Pagdating namin ay sabay-sabay kaming pumasok sa building at kagaya nang dati, lahat ng empleyado ay bumabati at mabilis ring tumatabi sa dinadaan namin.

We headed to Mr. Damon's office and we saw him talking with some men whom I assume to be his business partners.

"Oh, you're all here." sabi nito. "Excuse me gentlemen but I have important matters to talk about with my sons. Let's just continue next time." Mr. Damon said.

My Possessive VampireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon