Blood related

142 13 3
                                    

Sixty: My Vampire Lover 💐


Blood Related



NAKATINGIN AKO sa bag na hawak pa rin ni Jungkook. I wonder what's inside? Gusto kong makita ang laman nito pero wala nang oras dahil tapos na ang break time.

"Nakakapagtaka... was Amanda a vampire this whole time?" Kunot-noo ako.

For the past five years kasi na magkasama kami sa bahay, wala naman akong napansin na kakaiba sa kaniya or ang pagiging pulang mata nito maliban lang sa ugali niyang immune na ata sa kasamahan. Pero ni minsan ay hindi nasagi sa isip ko na isa din siyang bampira. Perhaps she went through the same change as me.

"She doesn't look threatening though." komento ni Jiyong. "Pero kahit na ganon' mag-iingat ka pa rin."

"Sa totoo lang, kinilabutan ako sa binitawan niyang salita kanina bago siya nawala, mukha kasing sure na sure itong magiging kanila ako at totoong naghihintay sila sakin." Mas lalo akong kinilabutan.

"Baka may makuha tayong hints pag binuksan at nakita natin ang laman nitong bag." Sabi ni Jungkook habang buhat nito ang bag.

"Ako na lang ang magbubuhat, sakin naman ang mga gamit na nandiyan." sabi ko habang iniaabot sa kaniya ang bag, pero lalo lang niya itong iniiwas tsaka umiling.

"Mabibigatan ka lang, ako na magbubuhat." sabi nito.

"Hindi naman kasi kita assistant para buhatin ang gamit ko." pagmamaktol ko. Nahihiya kasi ako.

"Hindi naman talaga, I just want to carry it for you." he said and I sighed in defeat.

"Look at these lovebirds." Ani Jiyong habang pumipito, sabay namin siyang sinamahan ng tingin ni Jungkook.

"Bilisan na nga natin." sabi ko bago pa ako maasar dito kay Jiyong na ngayon naman ay tumatawa. Baliw talaga.

Mabilis kaming nakarating sa classroom bago pa nagsimula ang aming next subject. Pagkatapos ng klase, dumiretso na kaming lahat sa van para umuwi.

"Jungkook, ano ba 'yang hawak mong bag?" tanong ni Namjoon.

"Kay Eli 'to. Dumating kanina ang stepmother niya at iniwan ito. We still haven't opened it." sagot ni Jungkook.

They immediately looked surprised to hear that we had an encounter with Amanda.

"Did something bad happen?" seryosong tanong ni Suga habang patuloy ito sa pagmamaneho.

"Wala naman." sagot ko. "Basta binigay niya lang itong bag at sinabing hihintayin daw nila ako, tsaka na ito umalis."

"Hihintayin ka?" Kunot noong tanong ni Jin. "Para saan at anong ibig niyang sabihin?"

"Sa totoo lang, ayoko na munang pag-usap ang tungkol 'dun. As much as possible, gusto kong mag focus kung paano ko ma ko-control ang pagbabago ng aking anyo." sabi ko at sinunod naman nila itong agad. Hindi na ulit sila pa nagtanong.

Pagkarating namin sa bahay, lahat ay nagtungo sa living room at kanya-kanyang upo sa sofa habang ang mga mata nilang lahat ay nakatuon sa bag. Para ba itong isang package na bagong deliver.

"Alam niyo, pwedi na kayong magpahinga. Baka ma-disappoint lang kayo sa kung anong laman ng bag na 'yan. I'm sure it's nothing special." Sabi ko tsaka umupo sa lapag. Inabot ko ang bag tsaka ito binuksan.

"Mukhang puros damit lang ang laman nito." sabi ni J-hope habang iniisa-isa nitong nilalabas ang damit sa bag.

"Ikaw ba ang may-ari ng mga 'yan?" Tanong ni Jimin habang tinitignan ang mga damit na nailalabas.

My Possessive VampireWhere stories live. Discover now