He's Back

252 18 9
                                    

Eighteen : My Vampire Lover 💐


He's Back




TAHIMIK lang kaming naglalakad na dalawa ni Jungkook. Hindi ko alam pero wala akong nararamdaman na kahit na anong takot ngayon. Sa katunayan ay sobrang relaxed ng pakiramdam ko.


Mukha namang hindi siya nagmamadali kahit na medjo umaambon na, sinamantala ko ang oras para makapag lakad-lakad pa kami ng mas matagal na dalawa.


Aaminin kong hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako, but at the same time ay masaya rin dahil hindi man lang siya bumibitaw sa hawak niya sa sleeve ng damit ko.


"Huwag kang masyadong kampante my dear Eli."


Napatigil ako sa biglang pag-echoed ng boses ni Lucian sa isip ko. Para ko rin siyang nakita kanina sa harapan namin ni Jungkook.


Napapikit ako ng mariin, pagmulat ko ay wala naman siya. Ipinilig ko na lang ang aking ulo, hindi ko siya hahayaang gamitin at manipulahin na naman ako para sa masamang hangarin niya.


"You okay?" nag-aalalang tanong ni Jungkook na bahagyang hinila ang damit ko.


Huminga ako ng malalim habang hinahawakan ang hibla ng aking buhok. "O–okay lang ako, medjo sumakit lang ng konti ang ulo ko." pagsisinungaling ko.


Sumimangot siya bigla. "Dalihan na natin." aniya.


Alam kong alam niya na nagsisinungaling lang ako, nagpapa-salamat na lang ako na kahit ganoon ay hindi na niya ako kinulit pa.


Hindi nagtagal ang kaninang ambon lang ay biglang naging ulan. Pareho kaming tumakbo ng mabilis papuntang mansion.


Pagkapasok ay nakita agad namin ang mga kapatid niya na nakatayo at mukhang naghihintay sa aming dalawa, sa main hall ng mansion. Binigyan nila kami ng nag-uuyam na mga tingin, lumapit agad si Suga sa gawi ko at hinila ako palayo kay Jungkook.


"Why were the two of you together?" seryosong tanong niya.


"Nagkita lang kami sa may hardin. Nagkausap saglit at nagdesisyon na sabay na kaming bumalik sa mansion. Wala naman kaming ginawang masama." hinihingal pa na paliwanag ko.


"Jungkook, alam mong delekado para sa inyong dalawa ni Eli kung magkakalapit kayo diba?" sabi ni Jin sa kaniyang kapatid.


"I know, pero ayoko naman siyang iwan mag-isa doon sa labas. Sinamahan ko lang naman siya, masama ba 'yon?" Jungkook said in disbelief.


"Yes it is, delekado para kay Eli." ani Suga. "What if the two of you suddenly make skin contact? We're all aware that the two of you tend to be impulsive, something could have gone wrong." sermon niya.

My Possessive VampireWhere stories live. Discover now