Pilit ko syang itinatayo pero mahigpit ang pagkakakapit nya sa mga tuhod ko, "Tumayo ka na, Tristan. Ayaw kitang makitang ganito...."



"Then, don't leave me. Don't break up with me. Kung alam ko lang na magkakaganito sana pala hindi na lang ako nagtanong." Sisi nya sa sarili nya.




"I'm sorry.... I'm sorry..... I'm sorry, Tristan." Sabi ko sa basag na boses dahil sa mga hikbi kong pilit kong pinipigilan. "I'm sorry, but I'm breaking up with you." At marahas ko syang itinulak mula sa pagkakayakap nya sa mga binti ko.



Natumba sya dahil mukhang hindi nya inaasahan ang ginawa ko, at kitang-kita sa mukha nya ang kalungkutan at pagmamakaawa sa akin. Hindi ko na napigilan ang tuluyang pagtulo ng mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. "I'm... so...rry...." Sabi ko bago ko sya tuluyang talikuran.



Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang boses nya, basag iyon pero pilit nyang inaayos. "Jer, bakit? Saan ako nagkulang?"



Hindi ko sya nilingon, wala akong lakas para gawin yun. Umiling ako bago ako nagsalita, basag na din ang boses ko at halos walang boses na lumalabas sa bibig ko. "Wala, Tristan. Hindi ka nagkulang. You gave me the world. It's just me. Ako ang problema, hindi ikaw."



Hindi ako nagpatuloy sa paglalakad. Nakahinto lang ako dun.... at hindi ko alam kung bakit. Siguro kasi gusto ko pa syang makasama kahit sandali na lang, marinig ang boses nya kahit basag na yun sa pag-iyak, o kaya'y marinig kahit ang hirap nyang paghinga.



"Is this what you really want? Dahil pagkatapos nito, Jer, wala ka ng babalikan. Hinding-hindi mo na ko mababalikan." His voice is firm as if giving an ultimatum though he is struggling with his voice.


Tumango ako sa sarili ko para kumuha ng lakas ng loob. Ito na to. Wala ng atrasan to. Ito ang pinili ko, ito ang papanindigan ko.



At tuluyan na kong naglakad, palayo sa kanyan, palayo sa mahal ko.



Bigla kong naramdaman ko ang pagguho ng mundo ko pagkalayo ko kay Tristan. Naramdaman ko ang sakit, ang pighati, at ang pagdilim ng mundo ko. Lahat ng dapat na maramdaman ko kanina ay sabay-sabay kong naramdaman ngayon. At para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa nararamdaman ko. Wala na sya. Wala na ang taong mahal ko at mahal ako. Pinakawalan ko na sya, at hinding-hindi ko na sya mababalikan kahit kailan. Tapos na kami.



Wala na si Tristan sa buhay ko. Wala na ang prinsipe ko.


Ilang araw na ang lumipas pero hanggang ngayon hindi pa rin nababawasan ang sakit na nararamdaman ko, sa katunayan mas tumitindi lang ito. It's been two weeks. Two weeks of hell. Two weeks na puno ng sakit at paghihirap. Two weeks na para akong paulit-ulit na pinapatay. Two weeks na puno ng pagsisisi. Two weeks simula nung pinatay ang puso ko....pero hanggang ngayon, masakit pa rin. Sobrang sakit pa rin. Gaano ba katagal magmove-on? Will it just take a second? A minute? An hour? A day? A week? A month? Or a year to finally move on?

SapilitanWhere stories live. Discover now