25:>>

13K 245 3
                                    

Pasukan na bukas, at talagang sinulit namin ni Tristan yung 2-week-break. Araw-araw syang nandito mula nung undas at madalas inaabot na sya ng gabi. Kung hindi ko pa nga sya papauwiin mukhang wala pa syang balak na umuwi. Kulang na lang dito sya tumira.

Hindi naman sa nag-rereklamo ako, kasi hindi naman talaga. In fact, sobrang natutuwa ako kay Tristan. Lalo na pag dumadating sya, parang ramdam na ramdam ko kasi ang pagka-miss ko sa kanya kahit na ilang oras lang naman kaming naghiwalay. Ewan ko ba, mukhang sinasadya nya yatang maadik ako sa kanya. Masyado nya kong sinasanay na nadyan sya parati, kaya kahit onting oras lang na magkahiwalay kami hinahanap-hanap ko na sya.

Unfortunately, wala sya ngayon at namimiss ko na sya. Naiinis na nga ako sa sarili ko e, I feel like a very love sick puppy. Gusto kong pigilan ang sarili ko pero wala naman akong magawa. This is an involuntary feeling.

Pinatawag si Tristan ng lola nya dahil gusto daw syang kausapin nito. At sa totoo lang, natatakot ako. Ilang beses na akong nakapanuod at nakabasa ng arranged marriage na ginagawa ng mga mayayaman at kadalasan sa mga bida dun kaedaran namin ni Tristan. Paano kung yun pala yung gustong pag-usapan ng lola nya? Hindi naman sa napaparanoid ako, may basis naman ako, dahil diba nagawa nga ng parents ng parents nya (grandparents ni Tristan) na i-arrange sila?

Sana nga lang hindi. Baka mabaliw ako kung sakali.

I feel so anxious, sa totoo lang. Kaya naisipan ko na lang na ituon sa iba ang atensyon ko. Wala naman kasi akong patutunguhan kung magmumukmok ako dito. Besides, I trust Tristan. Alam kong kung ganun nga ang mangyari, ipapaglaban nya ko. Yun pa? Sobrang mahal kaya ako nun! (Ang conceited ko na, masyado na kong nasanay kay Tristan.)

I decided to just go to the mall. Dun na lang ako magpapalipas ng oras. Showing naman yung movie na sobrang tagal ko ng hinihintay so yun na lang ang aatupagin ko.

Nakapila na ko sa entrance nung mall papasok nang may batang pulubing kumapit sakin, and I didn't expect what I did next, kusa na lang yung nangyari na parang instinct ko na yun—tinabig ko sya ng malakas the moment her hand landed on me. Halata na nasaktan yung bata at talagang nagulat ako sa ginawa. It's not really in my character to do that, but it just happened. Wala akong control sa nangyari dahil pati ako nabigla.

Akmang tutulungan ko na yung bata pero naisip ko na kasalanan naman nya yun dahil bigla na lang syang kumapit sakin. Pwede naman kasi nyang sabihin na lang diba? Hindi na kasi ako sanay na basta-basta na lang hinahawakan. Para kasing isa lang ang kilala ng katawan ko—si Tristan. Parang naka-set na na sya lang ang pwedeng humawak, humaplos, at kumausap sakin. I don't know. Basta parang ganun. Hindi ko din ma-explain. Basta naging instinct na lang yun—na dapat si Tristan lang. Pati nga kay Madj, medyo napapalayo na ko. Kasi yung oras ko na para sa kanya nabubuhos ko na kay Tristan. Wala naman akong nakikitang masama dun, ako ang mundo ni Tristan kaya okay lang naman sigurong gawin ko din syang mundo ko.

Pinagtinginan ako ng mga tao dahil sa nangyari kaya nilapitan ko na yung bata tsaka sya tinulungang tumayo, "Ikaw naman kasi, bigla ka na lang nanghawak. Nagulat tuloy ako. Sana nagsabi ka na lang. Sama ka na nga lang sakin, kain tayo." Masuyo kong sabi sa kanya.

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon