dd:>>

10.1K 224 19
                                    

Sometimes, I imagine this moment. Kung anong magiging reaksyon ko pag nagkita kami, kung saan kami  magkikita, kung anong damit ko, at kung paano ko sya haharapin. I pictured a lot of scenarios and a lot of reaction that might come from me, but nothing like this came out from my imagination. Never kong aakalain na wala pala akong magagawa kapag nagkita kami, kung hindi manigas sa upuan ko.

He smirked at me, his eyes glinting deviously, habang tulala lang akong nakatitig sa kanya—hindi makapaniwalang nandito sya sa harap ko ngayon. Is this purely coincidental o sinadya na naman ito? Pero bakit naman nya sasadyain diba? Ano namang kailangan nya sa akin. He already has Fritzie, masaya na sila. Bakit nya pa ko guguluhin?

Thus, I therefore conclude na hindi nya to sinadya. Conincidence lang ang lahat. Dahil wala naman syang dahilan para guluhin pa ako. Except, for those words.

Itinagilid nya ang ulo nya habang mapaglaro pa ring nakangisi sa akin, as if enjoying an internal joke with himself—na sya lang ang nakakaalam. Kinilabutan ako sa ngisi nya at tumindig ang mga balahibo. Gusto kong ialis ang mga mata ko sa kanya dahil kanina pa kami magkatitigan at siguradong nagtataka na ang mga kasama namin sa mga nangyayari. Pero hindi ko magawa—like a moth to a flame, I'm drawn once again. Gaya ng nangyari dati. Gaya noon, kahit gustuhin ko mang makawala ay hindi ko magawa.

Kanina pa ko dapat tumakbo paalis—palayo sa kanya pero hindi ko magawa. Napako ng ngisi nya ang mga paa ko. Naestatwa ng titig nya ang katawan ko. Para syang magnet na hinihila ako, na kahit anong gawin ko hindi ako makawala.

"Jer..." EJ's voice fade in confusion. Alam kong naguguluhan sila sa mga nangyayari pero wala akong balak na magsabi sa kanila.

Inipon ko ang lahat ng lakas ko para iiwas ang mukha ko sa kanya at lingunin si EJ. Nakita ko ang pagtataka hindi lang sa mukha ni EJ kung hindi ng lahat ng nandun. Pinilit kong ngumisi sa kanila tsaka ako tumawa ng bahagya.

"Anong meron? Bakit ganyan kayong makatingin?" Basag ko sa awkwardness ng paligid habang may pilit pa ring ngisi sa labi.

"Ah... Hahaha..." Awkward na tawa ni Jenny bago nagpatuloy, "Wala naman Jer, ang taas lang masyado ng tensyon nyo."

Pasimpleng siniko ni Mary si Jenny pero hindi iyon nakalusot sa paningin ko. Napangiwi ako sa nakita ko pero hinayaan ko na lang. Naiintindihan ko naman.

"A-ang ibig sabihin ni Jenny, medyo kanina  pa kayo magkatitigan magkakilala ba kayo?" Pagpapalusot ni Mary, though may hint din talaga ng curiosity.

Hindi ko alam ang sasabihin ko at natulala ako sa tanong na yun. Pero di rin yun nagtagal dahil sa gulat ko nang naramdaman kong may umakbay sa akin. Amoy pa lang nya at pakiramdam pa lang nang pagdantay ng braso nya sa balikat ko alam ko na kung sino sya. Tristan.

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon