18:>>

14.1K 298 11
                                    

'A kiss is a secret which take the lips for the ear.'

I don't know what this kiss means, pero isa lang ang alam ko—gusto ko yun. Wala akong pagsisisi na naramdaman sa halik na yun.

'Kiss. And you will see how important that person is.'

And as of this moment, alam ko na hindi lang importante sakin si Tristan—sobrang halaga nya sakin. Hindi ko lang sya gustong protektahan, alagaan, at mahalin bilang kaibigan. Dahil higit pa dun ang nararamdaman ko para sa kanya. He holds a very special place in my heart. At sa maiksing panahon na magkasama kami he did things I never thought possible. He was able to snatch a very important part of me already, which is myself.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula at hindi ko alam kung paano nangyari. Maaaring nagsimula to bago ko pa sya makilala sa library o nung nakabangga ko sya sa library o nung nag-usap kami sa rooftop o nung binuksan nya ang sarili nya sa akin noon sa bahay nya.

Hindi ako sigurado kung kailan, pero hindi na yun mahalaga. Ang mahalaga lang ay gusto ko sya higit pa sa kaibigan at hindi ko alam kung ganun din ba ang nararamdaman nya para sakin.

Aaminin ko, may takot akong nararamdaman para sa sarili ko. Alam kong hindi birong mahalin si Tristan at malaki ang posibilidad na masaktan ako. Pero may magagawa pa ba ko? Nandito na ko at wala na kong ibang magagawa kundi ang magpadala sa agos.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng nararamdaman kong ito, pero kahit saan pa ako dalhin nito hahayaan ko na lang. Hindi na ko magmamatigas. Kasi kung nasaan man ako, siguro iyon talaga ang nakatakdang mangyari. Kasi kung hindi, hindi siguro kami nandito. Naniniwala kasi ako na ang lahat ng bagay ay may dahilan, at alam kong may dahilan kung bakit ako napunta dito.

Nakakatawang isipin na isang halik lang pala ang kakailanganin para malaman kong iba na pala ang nararamdaman ko para sa kanya. Life is really ironic. Masyado itong mapaglaro na kung sino pa yung di mo aakalaing magustuhan mo, dun ka pa mahuhulog.

Akala ko normal lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko simpleng love at care lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko natural lang yung maramadaman para sa kaibigan. Pero akala ko lang pala lahat ng yun.

And yes, as much as I do not want to believe it, I think I like him way too deep. Too deep for my liking.

Marahang tinapos ni Tristan ang halik namin at dahan-dahan nyang inihiwalay labi nya sakin. Nakapikit pa din sya, na parang ninanamnam pa rin ang nangyari, habang may matamis na ngiti sa kanyang mga labi, "I love you, Jer. I think I already love you too damn much, and I'll be doomed if I ever let you go."

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon