2:>>

31.4K 470 3
                                    

"Prince" Ray Tristan Benette Gallego. Ang lalaking kinahuhumalingan, kinababaliwan at kinalolokohan ng lahat. Walang patawad ang pangalan nya, mapababae ka man, lalaki, bakla, o tomboy. Kapag narinig mo na ang pangalan nya, siguradong mapapasunod ka. Bawat isang nilalang na nandito at nakakakilala sa kanya wala ng ginawa kundi sambahin sya. Bakit naman hindi? Sa kagwapuhan, kayamanan, at kapangyarihan na meron sya e hindi naman imposible yun. Ang mga bagay na yan ang madalas nakakabit sa pangalan nya. Ang problema nga lang, walang makalapit sa kanya dahil bukod sa pagiging mailap nya ay kilala din syang suplado at walang pakialam.

Everybody wants to be on his good side. Everybody wishes to at least be looked at by the one and only prince of Plouton High Academy. Everybody, except me. It's not that I don't care about him, it's just that I learned not to care about him—about everything. Alam ko kasing gulo lang ang ma-involve sa kanya—sa kanila—at yun ang iniiwasan ko. I don't like to get involved, ayoko ng makigulo, nadala na ako.

Nagvibrate yung phone ko kaya napatingin ako dun. May message galing kay Madj—bestfriend ko. Hindi naman kasi forever alone lang ang peg ko sa school na to. May kaibigan din ako syempre. Yun nga lang ang dalang sumulpot!

"Bru, asan ka? Pumasok ako ngayon! Yieeeee. Di ka loner ngayon!" -Madj

Napasimangot ako sa sinabi nya, baliw talaga ang babeng to. "Buti naisipan mo pang pumasok? Gaga ka talaga! Papunta akong library pinapagawa ako ng project ni Tejucz hindi ako nakapagpasa ng take home nya kaya pinapagpasa ako ng on-the-spot project. Bwisit!"

"What? Seryoso ba? Bakit naman kasi hindi ka nagpasa ng project? Ang dali-dali nga lang nun eh, copy paste lang sa internet tapos print. Voila! May instant project ka na." -Madj

"Gagawa naman dapat ako eh, kaso nung chineck ko sa notebook ko kung ano yung project hindi ko makita kung saan ko sinulat kaya hindi na lang ako gumawa. Malay ko ba naman na magpapa-on the spot yun?"

"Gaga! Bakit hindi mo na lang ako tinext para napaprintan din kita."-Madj

"Malay ko bang magpaparusa yun ng on-the-spot project? Alam mo naman na wala akong pakialam sa mga pinapapasa na yan e."

"Gaga ka talaga! Yun na nga lang madaling gawin para pumasa hindi mo pa ginagawa." -Madj

"Che! Ikaw nga hindi pumapasok eh."

"Okay lang hindi naman ako bumabagsak!" -Madj

Napangisi ako, hindi naman kasi talaga sya bumabagsak kahit di sya pumapasok basta pinapasa nya lang yung mga requirements at present sya kapag may quizzes at exam. Mataas pa nga grades nya eh, tapos madalas sya pa yung kinokopyahan nung mga pumapasok.

"Ang yabang mo! Hindi din naman ako bumabagsak ah? Tamad nga lang talaga ako. Sige na papasok na ko sa library wag ka ng magulo para matapos ko to agad. Ipapakain ko pa kay Muscle Man Tejucs yung on-the -spot project ko. Ipapakita ko na hindi nya dapat ako pinaparusahan ng ganito dahil mapapahiya lang sya sa pagpapahiya nya sa akin."

"You're so evil, I like that! Hahaha. Sige pakita mo nga sa kanila na hindi dapat pinag-iinitan si Jer. Inggit lang yun kasi kahit tinutulugan mo sila nape-perfect mo pa din yung exam nila. Hahaha. O sya, babush!" -Madj.

Medyo napatawa ako, birds of the same feathers really flock together.

Pumasok na ko sa library para makapagsimula na dun sa on-the-spot project na pinapapagawa ng muscle man kong teacher. Madali lang naman talaga yung pinapagawa nya, research lang ng cause, effects, changes, symptoms, prevention-12 each tapos reaction sa isang buong short bond paper.

Naghahanap ako ng mapupwestuhan nang mabangga ako ng isang lalaki. Kunot-noo ko syang tinignan para sa pagsabihan nang malaglag ang panga ko dahil sa nakikita ko. Sobrang gwapo ng lalaking nasa harap ko—smoldering eyes, thin lips, pointed nose, thick eyebrows, and strong jaws—matipuno ang kanyang pangangatwan at namumutok ang damit na suot nya sa laki ng mga muscles nya—he's ripped, very ripped—matangkad din sya and his features are very aristocratic yung tipong nagsusumigaw ng powerful—yung tipong pag nandyan sya hindi mo mapipigilang maintimidate, because his mere presence is oozing with power.

He looked at me and I caught my breath. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita dahil sa kanya. He held my eyes for a long time and I felt my knees wobble. Muntik na kong bumagsak kung hindi nya lang ako nahawakan sa magkabila kong braso, "Careful." He said with his rich baritone voice, making my knees get weaker.

Shet anong nangyayari? Parang naging gellatin na yata ang mga paa ko dahil sa lalaking to. But then as I looked at his eyes deeply, I saw nothing. His beautiful eyes are nothing but an empty shell. Why?

I was trying to read him until it struck me like a lightning bolt, si Ray Tristan Benette Gallego ang kaharap ko-it is the prince—their prince. But what shocked me even more is the realizaion that... the prince—the person oozing with handsomeness, power, and wealth, is nothing but an empty shell. He is lonely. He is empty despite everything he has. And I want to help him. I want to fill his world with happiness.

I want to... But...


SapilitanWhere stories live. Discover now