4:>>

27.6K 470 9
                                    

Hindi pa ko nakakalayo sa kanya nang higitin nya ang braso ko para iharap sa kanya. Napasinghap ako kasabay ng panlalaki ng mga mata ko sa naramdaman kong kung ano sa pagtama ng balat nya sa akin at kitang-kita ko kung paano sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi nya na parang alam nya ang nararamdaman ko.  

Napatingin ako sa mga mata nya and I got lost in it. It is hollow yet it's deep. It is empty yet there's something in it waiting to be discovered. It is like a labyrinth waiting to be explored and I am captured. Hindi ako makaalis sa mga nakakalunod nyang mga mata at hindi ko alam kung—sinusubukan ko ba talaga, dahil parang gusto ko na lang manatili kung nasaan ako ngayon.

His eyes explored my face before he spoke, "Captured? I told you, right? You can't go anywhere. But. To. Me." Madiin ang pagkakasabi nya kahit na may ngisi sa kanyang mga labi.

Naramdaman ko ang pagwawala ng puso ko dahil sa sinabi nya. I don't know why but he is shaking my whole being and I can't do anything to stop it. Titigan nya pa lang ako nararamdaman ko na ang panginginig ng kalamnan ko. I guess I'm not really immune to the prince's charm after all. But, no... I have to be. Dahil ang mainvolve sa kanya ay katumbas ng isang malaking gulo. Hindi lang dahil sa mga matang palaging nakatingin sa kanya kundi pati na rin dahil kayang-kaya nyang gawing impyerno ang buhay mo sa isang salita nya lang.

Naghanap ako ng mga salita na pwede kong sabihin sa kanya pero ang tangi ko lang nagawa ay ang lumunok. Ano bang dapat kong sabihin?  Ano bang dapat kong gawin?  Dapat ba magtapang-tapangan ako o dapat wala lang o dapat ipakita ko ang totoo kong nararamdaman na natatakot ako? 

I opted to be brave with a little bit of indifference dahil tingin ko yun ang pinakamagandang gawin,   "Aalis na ko. Wala naman akong mapapala dito. Gagawa pa ko ng project, mahirap ng bumagsak no!" pilit kong pagpapanormal sa boses ko habang walang tigil sa panginginig ang mga tuhod ko.

Gumuhit ang isang mapaglarong ngisi sa labi nya na parang alam nya ang totoo kong nararamdan at nakaramdam ako ng kilabot sa ngisi nyang yun. Kilabot sa posibilidad na baka bigla na lang bumigay ang tuhod ko sa ngisi nyang iyon. Bakit ba kahit naglalaro ang kasamaan sa mukha nya ay napakagwapo nya pa rin?  

"You're  funny.  I told you you are  mine, but all you have to say is that?" Humour playing wickedly in his eyes. And hell be damned! Pero gusto ko ang nakikita kong tuwa sa mata nya.

Sinubukan kong gawing normal ang lahat sakin kahit alam kong kanina pa ko bakakaramdam ng abnormalidad. "Excuse me lang ah?  Bakit naman ako pupunta sayo? Feeling mo ikaw ang kailangan ko? Bakit internet ka ba? Yun kasi ang kailangan ko para magawa ko yung on the spot project ni muscle man. Minalas nga lang ako at napadpad ako dito. Kung makasabi ka naman feeling mo batas ka."

Lumawak ngisi nya at halos hindi ko na masabing ngisi yun kung hindi lang dahil sa wickedness na naglalaro sa mga mata nya, "You really are funny. It's the first time I encountered someone as amusing as you are. And yeah, just so you know, I'm the law here. Nobody can break whatever I say. I am the law. The authority you ought to follow. With your heart and with your soul." May diin ang pagkakasabi nya sa huli.

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon