22:>>

14.7K 230 4
                                    

Nakakarindi na naman ang nakakabinging ingay sa corridor. Pero this time hindi dahil kay Tristan, which is new, pero okay na din—refreshing eh! Ang dahilan kasi ng pag-iingay nila ngayon ay ang finals namin. Rinig na rinig ang hinaing ng schoolmates ko kung gaano kahirap mag-aral at kung bakit kasalanan ng teacher kung bakit sila nahihirapan. Actually, hindi lang sila, dahil kung ka-close ko lang sila kasama na nila akong dumadaing dun.

Ang hirap naman kasing mag-aral e!

Kanina pa ko nababaliw sa kakaaral dito at halos wala ng pumapasok sa isip ko. Eto yung mga panahon na naiisip kong, 'Sana nakikinig ako sa mga teacher at di lang ako natutulog' e. Ganito naman lagi kapag exams week madaming reklamo.

Okay naman sana eh! Matagal ko naman na tong ginagawa kaya sanay na ko. Ang nakakainis lang, habang nagdudusa ako sa pag-aaral dito yung kasama ko ay pa-chill chill lang. Nakakainis! Kaya mas lalo akong di makapag-concentrate. Yun pa naman ang kailangan ko ngayon—concentration and focus—para maabsorb ko lahat 'to. Umirap ako sa kanya, "Umalis ka na nga lang sa harap ko, naiirita ako eh!"

Binalingan nya akotsaka sya ngumisi, "I thought you'll be inspired to study hard because I'm in front of you."

Umirap ulit ako. Ang hangin ng kumag na to, nakakainis! "Ang feeling mo naman! Kala mo, inspirasyon ka ng lahat. Asa!"

"No, not really. I'm quite aware of the fact that I maybe an inspiration for others but for you I am a big distraction, with my handsome features, beautiful body, intriguing aura—"

"Hep! Tama na ang OA mo na." Awat ko sa kanya tsaka ako bumalik sa pagdudusa.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula, basta one day narealize ko na lang na at ease na si Tristan na ipakita sakin kung ano talaga sya. Hindi na sya alangan na gawin kung ano talagang gusto nya. Hindi na nya kalkulado ang mga kilos nya. He became carefree with me. Natuto na syang magtiwala sakin, at masaya ako dahil dun.

I heard a shutter sound kaya napatingin ako sa kanya at saktong nakita ko ang pagtake nya ng picture sa gulat kong mukha, "You look so adorable when you're mad, I want to squeeze in a bear hug." Ngising-ngisi nyang sabi.

Tingnan ko lang sya ng ilang saglit tsaka ako bumalik sa pagbabasa. Gusto kong magprotesta s pagkuha nya ng picture pero bahala sya, kailangan kong mag-aral ngayon.

Sa pagkakaalam ko talagang matalino si Tristan, kaya di na sya nag-eeffort mag-aral, at bago pa maituro ng mga teacher yung lesson nabasa nya na yun sa napakalaki nyang library. Wala naman kasi syang mapagkaabalahan sa bahay nila kaya nagbabasa na lang sya. At tingin ko nag-eenjoy talaga sya sa pagbabasa, kahit di nya sinasabi, dahil nung minsan na pumunta ako sa kanila para magresearch sa library nila tahimik lang syang umupo sa isang tabi habang nagbabasa. Hindi na nga nya napansin na pinapanuod ko sya dahil sa sobrang pagkaabsorb nya sa binabasa nya. Akala ko novel yung binabasa nya pero nung tinignan ko philosophy book pala. Napakamot nga ko sa ulo nun, kasi inisip ko kung paano naging posibleng maabsorb ka sa ganung libro. Hello philosophy book?

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon