cc:>>

9.8K 208 19
                                    

I opted not to go. Tapos na ko sa chapter na yun. Tapos na ko sa High School at sa magulong pag-ikot ng mundo dun. Ayoko ng bumalik. At alam ko na ang pagpunta sa Homecoming na yun ay ang pagbabalik at pagpapaalala na naman sa nakaraan—nakaraang dapat ko ng iwan at di na dapat balikan.

Okay naman na ko. Masaya na ko. Though not in the nirvana state, but I'm fine. I'm breathing. I'm surviving.  No scratch that, I'm not that happy, not even close to being that happy, but at least I'm fine and I don't feel the pain anymore. At pag naiisip ko yung mga nangyari alam ko lang na nasaktan ako, pero hindi ko na yun maramdaman—di gaya ng dati. Kahit pa may isang parte sa akin ang pasimple pa ring nagnanais na bumalik kay Tristan.

Hindi din pupunta si Madj. Tinatamad daw sya, at pupunta lang naman daw talaga sya kung sakaling napagdesisyunan kong pumunta. At dahil sa napili kong hindi pumunta, hindi na din daw sya pupunta.

Lalabas kaming magbabarkada. Nagyaya sila Jenny na mag-bar para daw makapag-unwind kami kahit papano. Sobrang stressful na kasi sa school ang daming pinapagawa tapos ang dami pang event na dapat ayusin. Kung alam ko lang na ganito sana ibang program na lang ang pinili ko. Akala ko kasi pa-easy easy lang sa HRM, hindi din pala. Nakakapagod! Nakaka-stress!

Sinuot ko yung black tube dress ko na medyo matagal ng naka-stock sa closet ko dahil di ko naman nagagamit. Pinlantsa ko din yung buhok ko para umayos at nilagyan ng onting korte sa ilalim para hindi maging boring yung itsura. Naglagay din ako ng make-up para hindi naman ako magmukhang naligaw lang sa bar. Yes, marunong na kong mag-ayos. Pinag-aralan ko kung paano para makablend-in ako. Buti na lang nandyan si Madj para turuan ako. Hindi naman kasi anti-social si Madj kagaya ko, pinipili lang talaga nya ang mga kakaibiganin at kakausapin nya.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at bahagya akong napangiti, satisfied with the outcome. Sinong mag-aakala na magiging ganito ako? Kung alam ko lang na may ibubuga pala ako... baka.... nevermind! Tapos na yun. Move on na.

Narinig ko ang busina sa tapat ng apartment ko kaya agad akong sumilip sa bintana. At gaya ng inaasahan, sila Jenny na nga iyon. Sinara ko ang mga ilaw at ni-lock ang pinto bago ako lumabas. Paglapit ko sa sasakyan nakita kong nandun na sa sasakyan sila Mary, ibig sabihin ako na ang huli nilang sinundo dahil alam nilang mabagal akong kumilos.

"Kakatapos mo lang no?" Malokong pang-aalaska ni Lian sa akin.

Napanguso ako kasabay ng pagsimangot ko, napagtripan na naman ako ng mga to. "Hindi ah, kanina pa ko tapos." Pagsisinungaling ko.

"Weh? Asa naman, Jer? Ikaw pa, mauuna? Imposible!" Kontra ni Mary.

Napasimangot ako at hindi na nagsalita. Tama naman sila e.

Sinalubong kami ng maingay, mausok, at magulong bar pagkapasok namin sa loob, ano pa bang bago? Ganito naman lahat.

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon