27:>>

9.9K 197 2
                                    

Mababaliw na ko! Onti na lang sasabog na ang utak ko sa kakaaral. Bakit ba kasi bigla nalang nag-set ng long quiz yung teacher ko sa chem? Parang hindi naman yata makatarungan to! Tapos yung coverage pa lahat ng diniscuss mula first quarter. Nakakainis!!!!!

Kanina pa ko nagbabasa dito para may masagot naman ako kahit papano mamaya pero lagi akong nadidistract kay Tristan, why does he have to be so gorgeous? Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinababaliwan sya. Ang hindi ko lang maintindihan ngayon e kung bakit hindi ko yun nakita noon?

Anyway, kailangan ko talagang mag-aral at naiinis ako sa sarili ko kung bakit hindi ako nakikinig sa teacher ko kapag nagdidiscuss sya. Yan tuloy hirap na hirap ako ngayon! Nakakainis pa yung ngisi ni Tristan habang chill lang syang nakaupo sa harap ko at pinapanuod ako. Nakakainis diba? Imbes tulungan nya ko o kaya makisimpatya sakin, nginingisian nya pa ko na parang natutuwa sya sa nangyayari sakin.Ngayon lang daw kasi nya ko nakitang seryoso sa pag-aaral at natutuwa daw sya dahil once in a lifetime opportunity daw 'to. Nakakainis! Parang nang-aasar pa eh.

Walang kwentang boyfriend, imbes tulungan ako tinatawanan pa ko! "Tigilan mo na nga. Naiinis na ko, Tristan!" Asik ko sa kanya.

"What? I'm not doing anything." Painosente nyang sagot.

Sinamaan ko sya ng tingin, "Wala daw. Eh kung makangiti ka dyan parang wala ng bukas!"

"Can't help it. You look too adorable studying hard, baby."

Napatigil ako saglit tapos inirapan ko sya nung narealize kong nagpapacute sya sakin, "Alam mo minsan nakakatuwa ka, yung tipong gusto kitang iuwi sa bahay para makasama at yakapin, pero madalas nakakaasar ka! Yung tipong gusto kitang sakalin. Kagaya ngayon. Tse!"

Pinilit kong bumalik sa pag-aaral pero nadistract ako sa pagtawa nya. He looks so happy and carefree. He looks like himself, yung totoong sya, yung pilit nyang itinatago sa mundo para maiwasan nyang magamit at masaktan dahil sa yaman at pangalan nya.

I suddenly felt an overwhelming warmth inside my heart as if I've accomplish the world's biggest mission. Then I lost track. Hindi na ko nakapag-aral. And for the very first time in the history of my life, wala akong naisagot sa exam. But I didn't mind. Wala akong pake, Tristan's smile was worth it anyway. His smile is like a lotto grand price, rare but worth the risk and sacrifice.

Kaya nung binalik samin yung quiz the following meeting hindi na ko nagtaka na bagsak ako at sobrang baba ng score. I was actually one of the lowest. Embarassing, lalo na at first time kong magkaganito. Pero ganun talaga, there's always a first time in everything.

Okay lang naman sakin. Alam ko naman na kasalanan ko at tanggap ko maluwag sa aking puso. Pero nang innannounce ng teacher namin ang highest scorer sa batch namin... nagsisi ako agad. I should've studied better, I shouldn't have let myself get distracted, I should have worked my ass out, I should've just ignored Tristan completely. Hindi sana ganito. Hindi sana ako naiinsecure. Hindi sana ako nagsisisi.

SapilitanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon