"Gago ka bang hayop ka? Alam mo namang iniwan ako tapos tatanungin mo ako kung kaya ko bang mag-isa? Bobo ka ba? Ano? Inaano ka ba, ha?" Inaawat na ako nila Neil at pinapakalma. 




"Pre, happy birthday! Alis na kami! Huwag ka na mainis pre kaya ka iniiwan eh lagi kang bad mood!" binato ko siya ng baso kaya tuluyan na siyang umalis.




Simula noong naghiwalay kami, lagi ako nagiiwan sa bahay nila ng pagkain kasi baka umuwi siya. Buti nalang binigyan ako ni Tita dati ng spare key sa bahay nila. Sa ibang bagay ko sana gagamitin 'tong spare key eh, pang akyat bahay ganon. Joke lang. Nililinis ko rin yun araw-araw para wala na siya poproblemahin paguwi niya.




"Sa freezer ba nilalagay 'tong ulam? O dessert lang nilalagay 'don?" I said to myself. Hindi ako sure kasi wala akong alam sa mga ganitong bagay kaya nilagay ko nalang lahat sa loob. Bahala na si Cali kung frozen man 'to oh ano.




"Jay, nasaan ka?" Gab said as soon as I picked up her call. Nakarating na sa 'kin ang balita na nawala na si tita. Tangina, grabe naman 'yung pinagdadaanan ni Cali ngayon. Tumaas ako sa kwarto niya para kumuha ng mga admit niya kasi for sure hindi muna 'yun uuwi dito. Dadalhin ko nalang 'to doon sa hospital baka mapaano pa 'yun kapag pumunta dito. Kailangan palagi siyang may kasama. 





Nagulat ako sa takot ng may bumukas ng pinto. tangina, ako lang naman may extra key dito. 





"Tita? Tita mahal ko po si Cali tita, siya po nakipag break sa 'kin Tita. Kung gusto niyo po hahabulin ko po siya hanggang magkamatayan Tita, huwag lang po muna kayo mag paramdam kasi po ano medyo natatakot po ako Tita." I said while slowly getting some clothes from Cali's closet. 





Nakarinig ulit ako ng kalabog sa may living room kaya naman sumigaw ako ulit. "Tita hindi ko po tintingnan bra at panty ni Cali tita, wala naman po ako pakealam don! Nag kiss palang kami Tita tsaka siya naman po nauna eh, nakita niyo po nung birthday niya Tita, 'di ba?" 





"Sir? Excuse me po? Meralco po ito, Sir." napamura ako nang marinig ko ang nagsalita. Tanginang, Meralco. Imbes na lumiwanag ang buhay, dumilim paningin ko sa takot.





"Kuya, bakit hindi ka nagsasalita dyan? Talagang nakinig ka pa sa mga sinabi ko?" I said while going down the stairs. 




"Natakot din ako Sir, eh. Baka kung ano na nangyayari sainyo sa taas. Iwan ko nalang po rito, mauna na po ako. Sana all may first kisss na Sir." pang-aasar ni Kuya habang papalayo na sa pinto.





"Kiss-kissin kita sa pader Kuya eh. Takutin mo pa ako eh kalalaki kong tao." Sinara ko ang pinto at tumaas na ulit sa kwarto ni Cali para mag-empake. Narinig kong may kumakatok kaya hindi ko muna pinansin, may mga pinag kakautangan ba sila Cali at panay ang katok dito?




"Sino yan?" I asked while going down the stairs again. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa'kin ang Food Panda. Umorder nga pala ako ulit kanina. "Thank you po! Ingat po!" sinara ko ang pinto at maya maya ay bumukas na naman uli ito. 




Hindi niya ata napansin na nakatayo ako sa gilid. Nagpatuloy lang siya sa pagpaspk sa loob ng bahay. Dumiretso siya sa kitchen at binuksan ang refrigerator. Nakita niya at mga tupperwares at narinig kong umiiyak na naman.




"Sabi ko sa'yo gusto ko pag nakita kita naka ngiti ka e." I said and she hugged me immediately. I can feel her pain and sobrang tagal ko na siyang gustong yakapin ng ganito. I badly want to give her comfort and make her feel my love. "Shhh, it's okay baby..."





"Waiting for someone?" Cali asked as soon as she noticed my car and me standing  beside it. 




"Yeah, you." She apologized and explained why she was pushing us away these past few days. "I just want to make sure my ex is doing fine." Oh Cali, galaw galaw. Pwede pa namang baguhin 'yan. Marupok naman ako dali na, baby.




Ay wala ayaw. Ayaw makipag balikan. Weak shit 'to. Mahina 'to. Kulang sa training.




I had to stop by at their house to officially say good bye kasi I'll be leaving to Manila next week and I have to make sure na aalis akong nakangiti siya. Her happiness is my happines too. Hindi niya alam na alam ko na 'yung desisyong ginawa niya para sa 'ming dalawa. And now, I have to sacrifice leaving her here para hindi na siya guluhin ulit nila Mia. I told my Mom na makikinig ako sakanila basta huwag na nila guguluhin si Cali. 




She should stay away from danger, she should stay away from me. But don't worry Cali, I'll take back what's mine in the first place kaya chill ka lang dyan. 




We bid our good byes and I was kinda expecting her to stop me from leaving pero alam ko hindi niya 'yun gagawin kasi she wants the best for me. Alam ko na tumatakbo sa isip niyan, kaya nga napagod ako eh. Please be fine, baby. Subukan mo lang maghanap ng iba sinasabi ko sa'yo Cali, liliparin ko ang Tagaytay at ipapaambush ko kayo ng makakalandian mo. Joke. 







----------------------------------------

YEHEY HEHEHE NAKAPAG UPDATE DIN! LABYU OL ME IZ BACK! ROAD TO 700 READS 

Unbind the StringsWhere stories live. Discover now