"Hoy nasaan na kayo? Ang tatagal parang mga babae." sigaw ko kay Neil sa telepono. Kanina pa namin sila inaantay dahil hinahabol namin 'yung bus papuntang Batangas Port. Doon kami sasakay ng bangka para makapunta sa Puerto Galera.
"Nasaan na raw sila?" tanong ni Gab saakin habang nakaupo sa harap ng gate namin.
"Traffic daw, nasa may Silang pa siguro 'yung mga 'yun." umirap si Gab at nagpatuloy sa pag cecellphone.
"Iwan na natin 'yang mga 'yan! Ang tatagal."
"Edi iwan din natin si Alonzo, siya nga 'tong mas malayo. Nasa dasma pa, ulol." pag ganti ko sakanya.
"Sabihin mo sakanila, take their time." pag bawi niya sa'kin.
"Ilang rooms kinuha mo?" I asked her.
"Tatlo."
"Bakit tatlo? Dalawa lang dapat, eh." I asked her looking confused.
"Mag isa ka sa kwarto, kasama ko si Alonzo tas magkakasama 'yung tatlong bugok." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Gago ka ang landi mo!" I threw her the neck pillow on my bag. "Seryoso ka ba?"
"Mukha ba akong nag bibiro, ha? Kung gusto mo yakagin mo na 'rin si Jay sa kwarto mo para tipid sa space." she said while giving me a teasing look.
"Ayoko nga! Baka wala na akong mauwian bwisit ka." I glared at her.
"Open ang bahay namin for you, friend."
"Ewan ko sa'yo. Hindi kita papayagan na sumama 'don. Tayo ang magkasama sa kwarto." I said in a serious tone.
"Ayoko! Walang thrill. Straight ako 'no." hinampas ko siya ulit ng unan.
"Dugyot mo bwisit ka. Sumbong kita sa mama mo." pagtakot ko sakanya.
"Alam naman niya, bleh!" she said while sticking her tongue out on me.
We heard a car approaching and saw it was the three boys. They went outside the car at isa isang kinuha ang kanilang mga gamit. We'll be taking the bus para dirediretso na kami sa Port. Kai was wearing a gray sleeveless tee and shorts. Neil was wearing a blue shirt with a knee length shorts. My love's wearing a white polo with a denim shorts.
He hugged me right away as soon as he saw me. I smiled at him and pointed out the space kung saan niya itatabi ang bag niya.
"Respeto naman sa walang lovelife." Neil said, pouting.
"Hoy Gabrielle, nasaan na 'yung kasama mo? Iwan na natin." pang aasar ni Kai sakanya.
"Eh kung ikaw kaya iwan namin, ha? 'Di ka makaantay? Kaya ka narereject kasi gusto mo agad agaran bwisit ka." yamot na sab ni Gab. Kanina pa rin kasi siya nag iintay kay Alonzo.
"Ouch, pare! Ayan kasi, atat ka masyado." siniko ni Neil ang tagiliran ni Kai at napahawak naman siya sa kanyang dibdib.
"Ako nalang, Gab. Ako nalang ulit." pang aasar ni Kai sakanya.
"Ayoko sa'yo. Panget ka." Gab said while trying to stop her smile.
Nag kakantyawan sila ng biglang dumating si Alonzo.
YOU ARE READING
Unbind the Strings
Teen FictionCali, a doctor, established a charity program that heals children with chronic illnesses through music. Her ex, Jay, who's a musician was invited to perform in one of their events.
