Chapter 23

129 28 8
                                    

A/N: There are wrong english words, so expect it in the middle of reading... Don't forget to vote!!

Chapter 23

Nagising ako sa ilang ingay mula sa labas ng kwarto ko, kunot noo akong bumangon habang ang paningin ay nasa pintuan kung saan nasa labas ang pinagmumulan ng ingay.

"Tara Tyrone tsaka Migz! Nakakamiss dito, di'ba?!" Kay Allis nagmumula ang ingay, mukhang sinasadya niyang iparinig sa'kin iyon.

Bahagya akong lumapit sa pinto at idinikit roon ang aking tenga para marinig pa lalo ang kanilang usapan.

"Ano bang ginagawa mo?" Rinig kong tanong ni Tyrone, naiinis.

"Tulog si Aria, Allison," Si Migz iyong nagsalita. "Tulog mantika 'yon kung minsan kaya malabong marinig ka." Dagdag pa nito.

Aba'y hudas!

So, ako nga ang pinaparinggan ng kahudas niya?

"Eh bakit ba? Sumakay na nga lang kayong dalawa!" Asik nito sa mahinang tono, para siguro hindi ko marinig.

Psh!

"Ewan ko sayo, bahala ka nga jan." Si Migz ang nagsalita bago ako makarinig ng ilang yabag palayo.

"Hoy, wait!" Tawag ni Allison na malamang ay kay Migz at kasunod no'n ang ilan ring yabag papalayo.

Mukhang nakaalis na sila, unti unti kong sinilip ang kaunting butas sa pinto upang makasigurong wala na ang mga ito. Pero laking pagtataka ko ng makita si Tyrone na nakasandal sa katapat kong pinto at mukhang may hinihintay. Naka plain white V neck shirt ito at ang pang ibaba ay simpleng short lang at tanging tsinelas ang nasa paa. Simple pero iba pa rin ang dating nito lalo na't nananatiling nakabrush up ang buhok.

Sa tagal kong nakasilip dahil pinagmamasdan ito ay natitiyak kong napapansin nitong may nakatingin sa kaniya kaya gano'n na lang ang pagpapalinga linga niya bago dumiretso ng tingin sa butas na naririto sa aking pinto. Nakatingin lang ito bago unti unting lumapit. Hindi kaya nakikita niya ko sa butas? Hindi naman siguro.

"Anong ginagawa niya?" Pagtataka kong bulong habang nananatiling nakasilip. Ilang saglit pa'y nakatayo na ito sa harap ng aking pinto habang ang paningin ay nasa butas. Kunot noo na tila'y nagtataka.

Hindi ko man rinig ang pagbuntong hininga niya ay napansin ko naman ito, umiwas siya ng tingin bago umalis at tila'y naglakad na palayo.

Nagtataka man ay pinilit kong iwasang isipin na ako ang hinihintay nito gayo'ng galit ito sa akin.

Disappointed ....

Isinaayos ko ang mga gamit ko at tinira sa kama ang ruffled dress na susuotin ko bago bumaba. Kaunting oras na lang at lulubog na ang araw. Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko sa closet ay tsaka lamang ako naligo't nagpatuyo ng buhok gamit ang blower.

Habang pinagmamasdan ang kaayusan sa vanity mirror ay siyang pagtataka ko ng mapagtantong kanina pa dapat naririto si Louis.

Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at ni isa ay walang message o missed call ito.

"Hindi kaya't may nangyare?" Pagaalala ko bago dali daling lumabas ng kwarto at patakbong sinuyod ang kahabaan ng hallway.

Bigla kong nakita si Tyrone na salubong ang mga kilay habang naglalakad patungo sa aking gawi. May nangyare kaya? Napahinto ako sa paglalakad at hinintay kung may sasabihin ba ito gayo'ng diretso ang tingin nito sa'kin.

Mabibigat ang bawat paghinga ko, pakiramdam ko ay may kasalanan na naman akong nagawa sa kanila. Lalo pang dumaundong ang kaba ko ng pagtapat kaming dalawa, hindi nito iniaalis ang tingin sa'kin.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now