Chapter 24

101 27 12
                                    

A/N: There are wrong english words, so expect it in the middle of reading... Don't forget to vote!!

Chapter 24

Bumalik ako sa kila Louis na parang wala sa sarili, hindi ko alam, hindi ko alam ang dahilan at kung bakit nagkakagano'n si Tyrone nang dahil sa akin.

"Anong sabe? Nakausap mo ba? Nakita mo ba siya?" Sunod sunod na pagtatanong ni Allis. Naupo ako sa tabi ni Louis at napatulala na lamang sa apoy na nasa gitna namin.

"I-i don't know," tanging tugon ko, ramdam ko man ang mga pagtataka nila ay hindi ko magawang magkwento.

"Ano bang hindi mo alam?" Naiiritang tanong ni Allis. Inisa isa ko sila ng tingin bago ngumiti ng pilit.

"Just nothing."

"Nothing what?" Tanong naman ni Migz.

"Matulog na tayo, marami pa tayong lilibutin bukas." Kunwari pa kong natawa ng matapos sabihin iyon.

"Okay?" Nawiwirduhang tugon ni Migz bago tumayo at iligpit ang mga ginamit namin. Binalingan ko si Louis na ngayon ay may pagaalalang tingin.

"What's wrong?" Tanong nito bago hawiin ang hibla ng aking buhok patungo sa likuran ng aking tenga, sa lakas ng hangin ay talagang magugulo ang iyong buhok, mabuti na nga lang at hindi gaanong naaangat ang aking suot.

"I told you, nothing." Nakangiti kong tugon.

Alam kong hindi siya kumbinsido sa sinabe ko. "Okay, magpahinga na tayo." Anunsiyo nito.

Habang abala ang mga kasama namin sa pagliligpit ay nakitulong na rin kame. Paniguradong pagagalitan kame ni Dad kapag nakita ang mga nakakalat na bote dito sa tabing dagat. Matapos no'n ay nagdesisyon sila Migz na sila ang magkasama sa kwarto ni Louis dahil mukhang may mga paguusapan at ikkwento ang mga ito sa isa't isa. Pagkatapos ng pagpapaalam namin ni Louis ay mahigpit at paghalik sa noo ang kaniyang ginawa bago sumama kay Migz. Naiwan kame ni Allison sa tapat ng aking kwarto. Pasimple rin akong napasilip sa katabi kong kwarto gayong naririto ang isa sa mga kababata ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga bago harapin si Allis.

"Alam mo? Ang weird mo simula ng bumalik ka kanina. Ano bang nangyare kay Tyrone?" Tanong ni Allis.

Siguro naman, hindi idadaldal ng hudas na 'to sa iba ang about sa napagusapan namin ni Tyrone. Nagpalinga linga muna ako bago hilahin papasok sa kwarto si Allis.

Agad kong nilock ang pinto. "Aria?" Halata sa tono nito ang pagtataka at gulat sa ginawa 'ko.

"Okay," huminga muna ako ng malalim bago maupo sa kama ko na siya rin nitong ginawa.

"Okay? What?" Pagtataka niya.

"Si Tyrone kanina..."

"So? Nagusap nga kayo?"

"Yes, and...."

"Then, what is it? There's something wrong with him? Any problem? May sinabe ba siya? Yeah, of course may sinabe siya, galing na sayo eh, nagka-"

"Pwede? Patapusin mo muna ako?" Putol ko sa kaniya. Inismiran naman ako nito at di na muli nagsalita pa.

Daldal punyeta!

"So ganito, nakita ko siya kanina sa stock room habang naggigitara at umiinom pa rin ng alak, kinompronta ko siya a--"

"And?" Napabuntong hininga ako sa pagputol nito sa sasabihin ko.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt