Chapter 6

145 54 3
                                    

Chapter 6

NAG-AALMUSAL pa lang ako ng marinig ang busina ni Tyrone mula sa labas ng gate namin. Nagpaalam na ko kila Dad na ngayon ay kumakain din.

"Take care." Sabe ni Mom bago ako tuluyang lumabas. I saw Tyrone na nakasandal sa kotse niya habang nakasuksok ang mga kamay sa bulsa. Hindi niya ko nakikita dahil diretso ang tingin nito sa kung saan.

"Tara na?" Tanong ko kaya mabilis siyang napalingon sa'kin. Pinagbuksan niya ko ng pinto sa back seat bago sumakay sa driver seat. "Sasabay si Sam satin?" Tanong ko. Syempre nakaka curious dahil sa likuran niya ko pinaupo na dapat sa tabi niya.

"Oo eh, nagpasundo." Tumango tango na lang ako. "Guest what Aria." Halata ang tuwa sa tono ng pananalita niya. Mukhang maganda gising ng tulok na to ah.

"What is it?" Tanong ko.

"Kame na, sinagot na niya ko." Napalingon pa ito sa'kin bago muling bumaling sa daan. Napaawang naman ang labi ko sa tuwa.

"Really? Ow congrats Tyrone." Tinapik ko pa ang balikat niya sa tuwa. "Let's celebrate that."

"Sa tingin ko din." Tuwa niya.

"So kailan mo siya ipapakilala kita Tita?" Tanong ko.

"Maybe tomorrow?" So hindi pa sigurado kung bukas?

"Parang di ka sure?" Natatawang tanong ko.

"Oum eh, Sa tingin mo Aria, mamaya nang gabe or bukas?"

"Mas maganda Rone kung mamaya na agad. Matutuwa sila Tita for sure."

"Yeah."

Nang marating namin ang bahay ni Sam hindi na rin kame nagtagal dahil nakaready na siya agad. Kung kanina ay kame ang naguusap, ngayon naman ay sila. Para akong nakisakay lang with matching telelandeserye sa harap ko.

Pagkadating namin sa University, sila pa rin ang naguusap, nasa likod lang nila ako. Nasanay ako na si Tyrone ang nagbubuhat madalas ng bag ko pero ibang bag na ang dala niya ngayon, kay Samantha na.

Habang naglalakad kame sa hallway napansin ko na papunta ito sa next building kung saan ang classroom ni Sam. "Rone." Tawag ko kay Tyrone pero abala siya sa pakikipag usap kay Sam. "Tyrone." Tawag ko muli pero nanatili silang naguusap. Hindi niya ko naririnig pero si Sam? Alam kong narinig niya ko dahil pasimple itong napalingon sa akin pero hindi niya yo'n pinansin. Sa halip ay mas lalo pa siyang kumapit sa bewang ni Tyrone.

Huminto na ko sa paglalakad at pinagmasdan silang dalawa habang papalayo. Sa tingin ko ay ayaw ni Sam na may kahati sa atensiyon ni Tyrone. Maski rin naman ako kung sakaling mag ka boyfriend, ayoko ring may kahati sa atensiyon pero hindi ko ipapakita sa kaniya na ganon ako. Mas okay pang makipag plastikan kesa maging iba ang tingin ng tao sayo dahil sa selos at pagka selfish mo.

"Aria?" Napalingon ako sa likuran ko ng marinig ang pamilyar na boses.

"Louis." Napangiti ako ng makita siya. Kasama niya ang ilan sa mga kaibigan niya na lagi niyang kasama noon sa cafeteria.

"Una na kame Bro." Tinapik ng mga ito si Louis bago ngumiti sa'kin at tuluyang umalis.

"Bakit nagiisa ka rito? Asan si Tyrone?" Tanong niya. Asan nga ba si Tyrone na laging kong kasama? Ahh na kay Sam pala.

"Hinatid si Samantha sa room niya." Sagot ko.

"Ganon ba? Hatid na kita sa room mo."

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن