Chapter 38

79 7 0
                                    

Chapter 38

Napagusapan na namin ni Dad ang pagpunta ko sa Batanggas, alam kong inaasahan nitong tutol ako pero pinaliwanag ko rito ang dahilan. Gusto kong maisip isip, kung kame talaga ni Tyrone ay kame talaga kahit anong taon ang magdaan sa amin, balak ko ring magaral ng Nursing pag katapos kong grumaduate. Isa rin kase 'yon sa pangarap ko nung bata maliban sa Business Administration, sa totoo lang ay sila Mom ang nagdesisyon ng B.A sa akin, nagkataon na iyon din ang gusto ng mga magulang nila Allis sa kanila.

Napagusapan na rin namin ang mga espesiyal na selebrasyon gaya ng pasko at bangong taon ay mananatili ako sa Batanggas at hindi makakauwe dito sa manila, nung una ay tumutol ito ngunit ng makitang kumbinsido ako ay sa huli ay naintindihan ni Dad.

Kahit anong pigil sa akin nila Migz at Allis ay buo na ang pasiya ko, pasiya ko na alam kong may magandahang kahihinatnan sa kaduluhan.

Naiayos na ang lahat, isang araw bago ako pumunta ng Batanggas ay sinulit namin ni Allis ang mga lugar na gusto naming mapuntahan, malling, kumain sa kung san-saan at uminom ng kaming dalawa lang.

"Shure ka na baah talagasssh?" Lasing na lasing na ang hudas kaya natatawa akong tumango, marami-rami na rin naman akong nainom pero mild alcohol lang ang iniinom ko, hindi gaya sa babaeng ito na nilubos talaga ang paglabas naming dalawa. "Mamimish kita, Ariaaaa." Ngumuso pa ito tsaka ako pilit na hinahalikan, tatawa tawa akong umiiwas sa hudas at maging ito ay natatawa sa ginagawa.

"Ewan ko sayo, Allis," natatawa kong sabe, "Saglit lang, ccr lang ako tapos uuwe na tayo." Sabe ko.

"Noted, Madam!" Aniya bago yumuko at sumubsob sa table, mukhang nakatulog na ang hudas sa kalasingan habang hawak ang baso ng beer.

Napailing ako bago magtungo sa isang waiter na nakatayo malapit sa amin, tila inaassist ang ilang costumer dito sa Bar. "Hi," bati ko, ngumiti naman ito ng bumaling sa akin. "Pwede bang pakitingin yung kaibigan ko?" Tanong ko bago ituro ang table namin kung saan nakasubsob si Allis, bumaling ako dito.  "Magccr lang ako." Nakangiti kong sabe.

"No problem, Ma'am." Tugon nito at agad na nagtungo sa pwesto namin, nakita ko pang ginigising nito ang hudas pero tulog na tulog pa rin.

Muli akong napailing bago matawa ng mahina sa itsura ng hudas, habang naglalakad patungo sa makitid na daan patungo sa c.r ay siyang paghahanap ko sa phone ko sa sling bag ko. Nang makita ko ito ay agad kong dinial ang numero ng telepono ni Migz, inipit ko ang phone ko sa pagitan ng tenga at balikat ko para maisara ko ng maayos ang sling bag ko, matapos no'n ay hinawakan ko na ang phone ko habang nakatapat sa aking tenga.

"Antagal namang sagutin nito." Reklamo ko nang hanggang ngayon ay nagriring lang ang linya.

Sa makitid na daang ito ay hindi nawawalan ng mga magccouple na naghahalikan, hindi pa 'ko sure kung magkasintahan nga ang mga ito.

Napapangiwi ako habang dinadaan ang mga ito, nakahinga ako ng maluwag ng sagutin ni Migz ang tawag.

"Hello?" Bunga ko. "Bakit ang tagal mong sumagot?" Reklamo ko.

Ang haba naman ng daang ito bago makapunta sa c.r, pasimple akong napataray sa naisip.

"Bakit?" Ungol nito na mukhang naguunat unat at kakagising lang. "Asan ka? Bakit ang ingay jan?"

"Nasa Bar kame ni Allis, malapit sa Mall, sunduin mo kame lasing na lasing na yung kahudas mo."

Bumuntong hininga ito. "Di niyo manlang ako sinama." Aniya.

"Girls bonding, hello?" Tugon ko bago mapataray.

"Sige, papunta na." Aniya bago ibaba ang linya.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now