Chapter 5

154 53 3
                                    

Chapter 5

MAKALIPAS ang ilang mga araw ay nakikitaan na namin ng pagasa si Tyrone kay Samantha, madalas na namin itong kasama mag break time at minsan pa nga ay gumala. Si Louis naman ay nakakapagtaka dahil saamin din madalas makisabay at sumama. Pero kahit na ganon ay natutuwa ako dahil kasama ko siya palagi kaya naman kapag wala siya puro pangaasar nila Migz at Allison ang bumu-bwiset sa'kin.

"Bakit kase hindi ka pa mag tapat kay Louis? Alam mo na ba yung magandang balita?" Tanong ni Migz na nagpagising sa tenga ko. Magandang balita? Andito kame sa cafeteria habang nakatambay, kakaalis lang din ni Louis kaya medyo nalungkot ako. Sila Tyrone at Samantha naman naglalandian sa tabi ko kaya ansarap paguntugin.

Bitter eh noh?...

"Anong balita?" Tanong ko habang binubuksan ang chips na nabinili ko.

"Sila Cindy tsaka Louis, hiwalay na." Nanlaki ang mga mata ko ng marinig ang napaka magandang balita sa balat ng lupa.

"Talaga?" Gulat ko, ngumisi naman ito ng nakakaloko bago tumango tango. "Seriously?"

"Oo nga." Inis na sagot nito bago umakbay kay Allison na nasa tabi niya at busy sa phone. "Grab the chance Aria." Natatawa nitong sabe.

Grab the chance? Baka naman mawala ang pagkadalagang pilipina ko kung ako magpapakita ng motibo. "Sapat na sa'kin yung hinahangaan ko siya." Tugon ko at sumubo ng chips. Kaya naman mabilis akong pinitik sa noo ni Tyrone. "Aray naman!" Asik ko at napanguso sa sakit habang hinahaplos ang noo ko.

"Ilang beses pa ba kitang sisitahin sa chips na yan? Kanin kainin mo o kaya sandwiches hindi yung puro ka Snacks!" Sermon niya habang seryosong nakatingin sa'kin. Napalingon naman sa'kin si Samantha habang may pagtataka sa mga tingin samin ni Tyrone. "Akina na nga yan." Hinablot ni Tyrone ang chips ko at mabilis na ipinasok sa backpack niya na nakapatong sa table. "Ako na lang kakain kesa ikaw." Napabuntong hininga na lang ako sa inis.

Wala akong nagawa kundi ang sumimangot, ngumuso at magcross ng kamay bago umiwas ng tingin sa kaniya. Parang chips lang naman! Napakaepal. Si Samantha nga chips din kinakain hindi naman niya sinisita, sinusubuan pa nga niya tapos ako? Bawal? Psh!

"Wait lang ah." Rinig kong pagpapaalam ni Rone kay Samantha at naramdaman ko na lang siyang umalis. Mga ilang minuto lang din ay dumating na ang loko at naupo sa pagitan namin ni Samantha kung san siya nakaupo kanina. Hindi ko siya binabalingan ng tingin dahil sa inis at sabayan pa ng mga nakakalokong mga ngiti at tingin ng dalawang hudas sa harap ko. "Ito kainin mo." Nilapag ni Tyrone ang isang egg sandwich and mineral water sa harap ko.

"Bakit mo pa siya binilhan? Dapat hinayaan mo na lang siyang kainin yung chips, chips lang naman yo'n eh." Malambing na pagtatanong ni Samantha kay Tyrone. She's right!

"Oo nga!" Sang-ayon ko. Sumama naman ang tingin sa'kin ni Rone na may pagbabanta. "Psh!" Asik ko bago kunin ang bag ko na nasa table, tumayo na ko at nauna nang pumunta sa Room namin. Hindi ko talaga tinanggap yung binigay niyang sandwich, bahala siya jan, favorite ko pa naman yung chips na yo'n tas siya lang kakain? Psh!

Pagkaupo ko sa upuan ko nagsound trip na lang ako habang nakapikit, tatlo pa lang kame ng iba kong kaklase ang naririto dahil 30 minutes pa bago magstart ang third subject.

Napadilat ako ng maramdamang may umupo sa tabi ko. "Para kayong timang kanina ni Tyrone." Ismir ni Allison habang nasa phone ang paningin. Kahit naka-earphone ako narinig ko pa rin siya dahil hindi naman ganon kalakas ang volume ng phone ko. Tinanggal ko ang isa sa tenga ko bago magsalita.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant