Chapter 32

82 9 0
                                    

A/N:

There are wrong english words, so expect it in the middle of reading.

Chapter 32

Habang yamot na yamot sa katahimikan ng bahay at kwarto ay nagdesisyon akong buksan ang social media account ko. Scrolling...scrolling lang ang ginawa ko para libangin ang sarili.

Itturn off ko na sana ang phone ko nang makita ang isang post na nagpatigil sa'kin. Post ni Sam, makikita rito ang mga photo niya nung nasa boracay sila ng family niya, halatang may mga kakayanan sa buhay dahil sa mga itsura ng mga ito.

"Nag out of town pala sila?" Bulong ko.

Pinindot ko ang pangalan nito upang makita pa ang karamihan sa mga post niya, may kung ano sa akin na nainteresadong makita ang ilang info niya sa social media account niya kaya naman tinignan ko ang about sa wall niya.

Naningkit ako habang binabasa ang about sa kaniya, nakita ko rito ang dalawang skwelahan na pamilyar sa'kin. University namin at ang university nila Cindy.

Agad kong tinawagan si Allis para itanong ang patungkol dito, ilang segundo ay sinagot niya ito. "Allis?" Bungad ko bago bumangon upang umupo sa kama.

"Oh, may problema ba?" Tanong nito.

"Wala naman," tugon ko.

"Oh e' bakit ka napatawag?" Tanong niya.

"Transferee lang ba sa university si Sam?" Tanong ko.

"Ewan ko do'n, bakit?"

"Nakita ko kase sa wall niya yung logo ng university nila Cindy."

"And so? Ikaw pala 'tong chismosa ah," aniya bago humalakhak.

Hudas!

Napaismir ako. "Curious lang ako Allis," asik ko.

"Di kita magets, pupunta ako jan, wait mo 'ko." At binaba na nito ang tawag.

Nahiga muna ako sa kama bago ituloy ang pangiistalk dito. Mas lalo akong naging curious ng makita ang family picture nila sa Twitter habang kasama si Cindy. Magkayakap ang dalawang ito at mukhang magkasundong magkasundo. Nasa walo ang mga ito sa litrato na mukhang kinunan pa dalawang taon ang makalipas.

"Bruhilda!" Sigaw ni Allis mula sa labas ng pinto at sinusubukang buksan pero nakalimutan kong na-ilock ko pala ito. "Bruha!" Sigaw nito, naiinip.

"Sandaleeee!" Balik sigaw ko bago bumangon at pagbuksan ito. Bumungad sa'kin ang salubong nitong mga kilay.

"Tagal ah." Aniya bago pumasok at balagbag na nahiga sa kama ko. "Ano ba kaseng chismis?" Tanong nito bago tumagilid at magkalumbabang tumingin sa akin.

"Look." Nilapag ko sa harap niya ang phone ko habang papaupo sa kaniyang tabi. Nagtataka naman itong dinampot ang phone ko, naniningkit bago mamilog ang mga mata, gulat na gulat na bumaling sa'kin. "Anong naiisip mo about jan?"

"Aba'y magkasundo pala ang mga demoñita." Aniya bago maupo at muling pagmasdan ang litrato, hindi pa ito nakuntento at pinagsu-zoom pa ito. "Ibig sabihin?" Pagbaling niya sa akin.

Sumandal ako sa headboard ng kama bago ako magkrus ng braso. "It's either magkapatid sila or magkamag anak." Tugon ko. Sandali itong napaisip bago tumango tango na mukhang nakuha ang ibig kong sabihin. "Mukhang iisa lang tayo ng iniisip." Dagdag ko.

"Hindi no', malaki ang kaibahan natin." Aniya bago magmataas ng noo, nagyayabang.

Napaismir ako habang nakangisi, "And what is it?" Nakaawang labi habang nagtatanong.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant