Chapter 4

180 57 3
                                    

Chapter 4

DAHIL nga naiwan ni Tyrone sa Bar nila Migz ang kotse niya pareho kaming nag commute. Sila Migz at Allison naman nasa school na raw at hindi na kame na isabay dahil idinaan nila sa grocery ang Mama ni Migz.

"Bus or taxi?" Tanong ni Tyrone nang makarating kame sa Bus stop. Medyo hilo pa siya dahil sa hang over. Napapahilot pa siya kung minsan sa noo niya.

"Bus na lang." Tugon ko. "Haharap ka sa babae na ganyan itsura mo?" Iritableng tanong ko habang nakacross arm at diretsong nakatingin sa kaniya.

"Yeah, why?" Tanong niya bago bumaling sa'kin habang naniningkit ang mga mata. "Ano bang itsura ko?" Tanong niya, bago kunin ang bag ko sa'kin. Gawain talaga ni Tyrone minsan yan, hindi na ko magtataka.

"Bukod sa mukha kang sabog, mukha ka ring tanga." Sinundot naman nito ang noo ko ng sumagot ako. Napanguso na lang ako ng mapahawak sa noo ko. "Ano ba?!" Asik ko.

"Ayusan mo ko mamaya." Utos niya.

Kala mo babae eh...

"Kahit hindi mo sabihin yan gagawin ko pa din noh, ayoko namang magmukhang tanga yung kababata ko sa harap ng babaeng gusto niya."

"Kaya sayo ako eh." Ginulo pa nito ang buhok ko, kaya mabilis kong pinalo ang balikat niya. Natawa lang ang loko bago ayusin ang pagsabit niya ng bag ko sa balikat niya.

Napalingon kame parehas ng may bus na huminto sa harap namin. "Tara na." Inalalayan niya kong makasakay habang nasa likuran ko siya. Saktong may dalawang bakanteng upuan na magkatabi. "Pucha." Napalingon naman ako sa kaniya ng magsalita siya. Nasa bandang binta ako dahil madali akong mahilo kapag walang ganong natatanaw na pwedeng mang distract ng atensyon ko.

"Bakit?" Taka kong tanong. Sinundan ko ang tinitignan niya kaya napayuko ako para tignan kung anong nasa gilid niya. "Hala!" Gulat ko ng may maupuan siyang bubble gum. "Pffft!" Napahawak ako sa bibig ko para pigilan ang pagtawa ko.

"Bwiset!" Asik niya at binuksan ang bag ko para kunin ang wipes na lagi kong dinadala. Alam ni Tyrone ang bawat laman ng bag ko, minsan kase kapag wala kaming klase o nasa cafeteria lang kame. Maliban sa phone niya, ang bag ko ang pinaglilibangan niya. Minsan pa chine-check niya kung nagsulat ako ng lesson dahil kung hindi mararamdaman mo na lang ang malutong na kotong mula sa kaniya.

"Akina nga." Tumayo siya at ako ang unti unting nagtanggal ng nakakadiri na gum sa likuran ng hita niya--sa pants niya. At dahil mukha matagal na ang gum na ito kaya madaling tanggalin. "Okay na, kaso medyo basa yung pants mo sa likod ng hita mo."

"It's fine, basta natanggal yung gum." naupo na siya at muling ibinalik sa bag ko ang wipes na kinuha niya. 20 minutes pa ang byahe at medyo maaga pa naman kaya hindi kame mahuhuli sa first class namin. "By the way, thanks." Sabe pa niya pero abala sa pagkalkal sa bag ko. Ibig sabihin na bo-bored siya kaya niya kinakalkal ang bag ko.

"You're always welcome." Tugon ko. Sinandal ko ang ulo ko sa salamin ng bintana at unti unting pumikit. Hindi pa man ako tuluyang nakakatulog naramdaman kong hinawakan ni Tyrone ang ulo ko para isandal iyon sa balikat niya. Tinignan ko siya habang nasa ganong posisyon. "Thanks." Ngumiti lang siya nang hindi ako binabalingan ng tingin. Abala pa rin siya sa pangangalkal sa bag ko.

"Aria." Nagising ako ng tapikin ni Tyrone ang pisngi ko. "Aria."

"Hmm?"

"Malapit na tayo." Umayos ako ng pagkakaupo at nagpalinga linga. Malapit na nga kame sa university, limingon ako kay Tyrone ng maramdaman kong gumalaw siya, may binunot siya sa bulsa niya bago ialok sa'kin, napatingin ako sa kamay niya na hawak ang isang panyo. "May muta ka pa." Natatawa nitong sabe kaya naman agad kong hinablot ang panyo mula sa kaniya at pasimpleng ipinunas sa mata ko.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now