Chapter 7

139 51 4
                                    

Chapter 7

TUMAMBAY muna sila Migz dito sa bahay nang makauwe kame, tutal maya maya pa naman ang kaganapan sa buhay ni Tyrone, pahinga muna kame. Si Migz abala sa Ml habang napapamura sa mga kakamping bobo raw at si Allison naman nanonood ng make up tutorial sa phone niya. Nandito sila sa kwarto ko at hayahay na nakahiga habang ako na may ari ng bahay nasa upuan at pinagmamasdan sila.

"Nice naman si Sam, kaso I can feel the attitude on her." Basag sa katahimikan ni Allison, sabay kaming napatingin sa kaniya ni Migz. Muling bumaling si Migz sa nilalaro.

"What do you mean?" Tanong ni Migz habang abala sa nilalaro.

"I mean is....hindi ako palagay sa kaniya." Nilapag ni Allison ang phone niya sa tabi at umayos ng pagkakahiga. "Feeling ko siya ang maglalayo kay Tyrone satin. Something like that."

"Same." Tipid na tugon ni Migz. Ibig sabihin, ayaw nila kay Samantha? Well ako, hindi naman sa ayaw ko sa kaniya pero tama si Allison. Kanina pa lang bago kami pumasok sa class may something talaga sa kaniya. If she really love Tyrone, kailangang makisama samin, since kame ang mga kaibigan ng boyfriend niya at tumulong sa kanilang dalawa. Hindi ko sinusumbat or what yung naitulong namin na efforts between them, she need to respect us being Tyrone's Childhood friends.

"How about you?" Saglit akong napaisip sa tanong nila sa'kin.

"Same." Tipid kong tugon. Pero lahat naman may attitude na tinatago hindi ba? Pero iba iba nga lang tayo ng paguugali, minsan lantaran, minsan tinatago hanggang sa may makakita na nito. "Suportahan na lang natin si Tyrone guys, mahal nila ang isa't isa at tayo lang ang pwedeng mag adjust to the both of them."

"Kahit lumayo satin si Tyrone?" Tanong ni Allison.

"Hindi gagawin ni Tyrone yo'n." Si Migz ang sumagot habang diretso ang tingin sa Phone niya. "Kilala natin siya, hindi papayag si Tyrone na layuan tayo dahil lang kay Sam."

True, sa lahat ng mga naging kaibigan ni Tyrone kame pa rin ang sinasamahan niya. Mas komportable kame sa isa't isa bilang magkakaibigan.

"Inlove siya kay Sam, Migz, ba'ka nga isang sabe lang ni Sam sa kaniya na layuan tayo lalo na si Aria na close na close niya ay bigla na lang siyang lumayo. Babae rin ako noh, ang pinagkaiba lang namin mas maganda ako." Napangiwi kame pareho ni Migz sa sinabe niya. Akala ko seryosong usapan to, may joke palang involve?

"Nice joke." Asar ni Migz kaya bigla siyang hinampas ng Unan sa mukha ni Allis. At ayo'n, naghampasan silang dalawa.

Ang gugulo.....

Napalingon ako sa phone ko na nakacharge habang nakapatong sa maliit na table na nandito sa kwarto ng tumunog ito. Tumayo ako para kunin at tignan kung sinong nag message sa'kin.

From: Unknown

Are you busy? Pwede akong tumawag?

Napalingon ako kila Allison ng mapamilyaran ang number ng nagtext sa'kin.

"Sino yan?" Tanong ni Migz ng mapahinto sa paghampas ng unan kay Allis.

"Si Louis, tatawag daaaaaaw!!!" Tili ko habang nangingisay sa kinatatayuan. Nagdidiwang ang bawat laman loob ko sa kilig at sayang nararamdaman.

"Tsk! Yo'n lang pala." Asik ni Allison at biglang hinampas ng unan si Migz kaya ang dalawa ay nagpatuloy sa kaharutan.. Binunot ko ang phone ko mula sa pagkakacharge bago lumabas. Pumunta ako sa terrace para mas mapayapa ang paguusap namin.

To: Unknown

Sure.

Tipid kong reply sa kaniya, ayoko namang habaan pa ang pagreply sa kaniya at baka magmukha akong excited na excited sa pagtawag niya kahit alam ko namang totoo yo'n.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now