Chapter 9

145 49 2
                                    

Chapter 9

MAAGANG umalis sila Mom ngayong umaga, medyo nagaalala na nga ako sa kanila dahil kagabe ay nauna pa kong nakauwe tapos ngayon ay maaga na naman silang aalis. Masyadong workaholic sila Dad kaya minsan hindi na nila namamalayan na hindi pala sila nakapag lunch or dinner manlang. Nandito ako sa dining area habang magisang nagaalmusal. Napapatulala ako habang inaalala ang masayang nangyare kagabe.

I kissed him!

Napapikit ako habang napapakagat labi. Mula kagabe hindi siya nag message sa'kin or tumawag manlang siguro masyado siyang napagod kahapon. Napalingon ako sa phone ko nang tumunog ito. Binaba ko ang kutsarang hawak ko bago tignan kung sinong nag message sa'kin.

From: Tyrone💪

Nasa labas ako.

Ow! Yung damit ko pala. Dali dali akong tumayo at lumabas ng bahay. Nakita ko siyang nakasandal sa Infiniti QX30 car niya. Mukhang may lakad sila ulit ni Sam dahil bihis na bihis ang loko. Naka Aviator sunglasses pa siya habang prenteng naka pamulsa. "Tyrone." Tawag ko sa kaniya bago lumabas ng gate namin.

Napalingon ito sa'kin bago tanggalin ang sunglasses na para bang sinusuri ang kabuuan ko. Bakit na naman! "Ano ba yang suot mo?" Asar niyang tanong. Tinignan ko ang suot kong ice silk siling sleep wear set lingerie v neck ko. Presko kaya tong pangtulog ano na namang big deal dito?

"Bakit? Pantulog lang naman to." Asik ko bago siya irapan.

"Lumalabas ka ng ganiyan? Kailan pa Aria Eunice?" May halong inis at pagkairitable sa tono nito.

"Ngayon lang dahil sayo." Sarkastiko kong sagot.

"Tsk!" Asik niya, kinuha niya ang damit ko mula sa kotse niya bago ako hilahin sa pulsuhan ko papasok ng bahay.

"Aray!" Asik ko ng bitawan niya ang kamay ko nang makapasok kame sa sala. "Anlaki ng problema mo sa damit ko noh? Napakaepal!"

"Ayoko lang mabastos ka Aria, dapat nagpalit ka muna bago ako labasin. Hindi ba?" Matalim ang mga titig nito sa akin na para bang may ginawa akong kung anong bagay na ikakamatay ng isang tao sa mundo! Punyetang buhay to!

"Ang OA mo Tyrone." Inagaw ko muna sa kamay niya ang damit ko bago padabog na umakyat sa kwarto. Napaka OA, habang inilalagay ko sa labahan ang damit ko na hinatid niya sa'kin biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko bago siya iluwa nito. "Ano na naman?" Asik ko. Ngayon ko lang napansin ang dala niyang paper bag na ewan ko kung anong laman nito. Mukhang kinuha niya muna ito sa kotse niya bago pumanik dito sa kwarto.

"Are you mad?" Tanong niya bago umupo sa kama ko habang hawak pa rin ang paper bag.

"Ewan ko sayo." Pagiinarte ko bago kumukuha ng damit sa closet para makapag palit.

"Ayoko lang na may mambastos sayo Aria. C'mon." Malambing ang pananalita nito. Sandali akong napahinto sa paghahanap ng damit bago lumingon sa kaniya.

"It's fine, Tyrone is Tyrone. Sanay na ko." Walang emosyon kong tugon bago ipagpatuloy ang paghahanap.

Narinig ko naman ang pagbuntong hininga nito. "Aria is Aria huh." Sabe nito bago matawa. Nilingon ko naman siya ng may matalim na tingin.

"Anong ibig mong sabihin jan sa sinabe mo?!" Inis kong tanong bago mameywang sa tapat ng closet habang nakatingin ng mataray sa kaniya.

Lalong lumakas ang tawa nito ng pagmasdan ang itsura ko. Siraulo nato!

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu