Chapter 12

127 43 0
                                    

Chapter 12

Napalingon kame ng bumukas ang pinto ng banyo. "Ganda ko ba girls?" Maarteng tanong ni Allis at rumampa sa harap namin habang naka push up low cut backless one piece bikini na color maroon. "Mahal ng bili ko dito at pinaghandaan ko talaga itong gabing to." Halata ang galak sa tono niya. Para siyang bakla kung umasta, kanina tawa ng tawa tapos bungis-ngis ng bungis-ngis hanggang sa nawala sa mood tapos ngayon parang timang na....papunta na ata sa mental illness to.

Napailing na lang ako bago bumaling kay Sam. "Mauna kana." Turo ko sa banyo. Nginitian niya ko bago dumiretso sa banyo.

"Ang ganda sa cr nila, para kang nasa five star hotel. Actually mas maganda pa nga sa comfort room ng five star eh." Sabe ni Allis habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng vanity mirror.

Napalingon kame ng may kumatok na naman. "Tagal niyo naman!" Sigaw ni Migz mula sa labas ng pinto.

"Maghintay ka punyeta!" Balik sigaw ni Allison. "Mauna na nga ako Aria para may umawat naman sa baliw na yo'n. Kita na lang tayo sa pool ah. Babye." Tumango na lang ako bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Maya maya pa ay lumabas na rin si Sam suot ang one piece bikini floral monokini. "Wow." Mangha ko ng makita ang hubog ng katawan niya dahil sa suot na bikini.

"Ayos lang ba?" Tanong niya na parang naiilang sa suot habang pinagmamasdan ang sirili sa harap ng vanity kung saan nagmodel model kunno si Allis kanina.

"Actually bagay sayo....ang sexy mo lalong tignan." Ngiting tugon ko. "Ako naman ah." Natatawa kong sabe bago pumasok sa banyo. Tama nga si Allis, ang ganda ng cr nila. Para kang nasa paris dahil sa theme and designs ng mga sulok sulok.

"Aria, mauna na ko sa baba ah baka hinihintay na ko ni Tyrone." Pagpapaalam mula sa labas ng banyo ni Sam.

"Sure, no prob." Tugon ko.

"Thank you." Huli kong narinig mula sa kaniya bago ko marinig ang pagsara ng pinto ng kwarto. Sinimulan ko nang hubarin ang suot kong dress at tumambad sa'kin ang nakaready kong black peony bikini.

"I'm ready." Bulong ko habang pinagmamasdan ang itsura sa sink bago lumabas ng banyo. Tinanggal ko rin ang 2 inches heels ko at nakapaang lumabas ng kwarto. Fiy, nakapaa lang din sila Sam ng umalis ng kwarto. Alangan namang magheels pa ko edi trying hard ang peg ko no'n.

Akala ko ay nasa baba na silang lahat pero nakita ko si Louis na nakatayo at nakasandal sa hagdan habang nakasuot ng swim shorts na color black and white. Tanging yun lang ang suot niya, in short, walang pang itaas. Hindi niya ko napansin dahil nakatingin siya sa kung saan. Ngayon ko lang namalayan ang ganda ng pangangatawan niya lalo kapag walang suot na damit pang itaas. Hindi ko ito namalayan noon dahil nga nung araw sana na masosolo namin ang isa't isa ay sumama si tulok.

"Louis." Tawag ko sa pangalan niya bago lumapit ng tuluyan.

Napalingon siya sa'kin at ayokong pairalin ang ka-assuming-an ko ngayon. Hindi ko iko-consider na may kahulugan ang tingin ni Louis sa'kin. Malay niyo nagulat lang hindi ba?

"Tara na?" Aya ko. Nananatili siyang nakatingin sa'kin. Nang mahawakan ko ang braso niya para gisingin ang diwang patulog na ay tsaka lang siya natauhan.

Okay pwede nang magassume...

"I-I'm sorry." Umayos siya ng pagkakatayo bago ngumiti sa'kin. "Let's go." Inalalayan niya ang baywang ko habang pababa ng hagdan. May mga bisita ring nakakakita samin at minsan pa nga ay natutulala samin ni Louis.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن