Chapter 13

132 44 0
                                    

Chapter 13

"Hindi dito ang tamang lugar para pagusapan natin to Cindy, please? Hayaan mo namang lumipas tong gabing to para kay Mama. Ano pa bang gusto mong marinig mula sa'kin? Mahal ko si Aria, just, please? Umalis kana lang muna?"

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ni Cindy habang hindi makapaniwalang nakatingin kay Louis. "You love her? How about me, babe? How about-" tuluyan na siyang napahagulgol sa kinatatayuan habang hindi inaalis ang paningin kay Louis. Pakiramdam ko ay kasalanan ko, bakit ako nagpaligaw ng hindi inaalam kung may ugnayan pa sila sa isa't isa? Bakit nagpadala ako sa nararamdaman ko para kay Louis habang hindi iniisip ang ibang tao?

"I-I really sorry Cin--" hindi na natuloy ni Louis ang sasabihin ng sampalin siya ni Cindy na halos ikabakat ng palad nito sa lakas ng pagkakasampal sa kaniya. Napaawang ang labi ko habang gulat na gulat sa nangyare.

"Sorry? Sorry kase ano?! Kase pumasok ka sa isang relasyon na wala man lang akong naging reaksyon o tugon sa pakikipag break mo sa'kin?!" Napayukom si Cindy para pigilan ang galit na halatang gusto nang kumawala sa kabuuan niya. "Tell me Louis! Choose!!" Napalingon sa kaniya si Louis at hinihintay ang susunod na sasabihin nito. Yung mga mata niya na unting unting dumudurog sa puso ko, yung tingin niya kay Cindy na makahulugan at ramdam kong may natitira pang pagmamahal ang siyang unting unting dumudurog sa puso ko.

Hindi ko maintindihan, palabas mo lang ba to Louis? Mahal mo ba talaga ako? O baka....ginagamit mo lang ako para kay Cindy?

"Ako o yung Aria na sinasabe mong mahal mo?" Unti unti akong napayuko, ako please? Ako ang piliin mo? Alam kong ako ang pipiliin mo at hindi mo na kailangan pagisipan pa yo'n. Dahan dahan kong iniangat ang tingin ko nang hindi umimik si Louis sa tanong ni Cindy. Gano'n na lamang ang pagkabilog ng mata ko ng diretso siyang nakatitig sa'kin. He choose me?

"I'm sorry Aria."

Kusang napaatras ang mga paa ko ng ilang dipa ng marinig ang hindi ko inaasahang sasabihin niya. "L-Louis?" Pinilit kong hindi pumiyok sa pinipigilan kong iyak. Napayuko siya bago mapahilamos sa mukhang tumitig kay Cindy.

"Please? Umalis kana muna? Bukas na lang natin pagusapan to." Pakikiusap niya kay Cindy, halata ang pagkaraos nito sa sakit na dinadama kanina.

"Okay." Mahinahon ngunit halata ang pagkagalak sa itsura niya. Bumaling ito sa'kin at palihim na ngumisi bago kame tuluyang lisanin. Aktong aalis na sana ako dahil pakiramdam ko ay talo ako......talo ako.

"Aria please talk to me?" Halos mabiyak ang huli niyang sinabe dahil sa pagpipigil na hindi ko alam kung saan niya hinuhugot. Nilingon ko siya kasunod ng magkakasunod kong luha.
"You used me." Sinikap kong hindi mautal. "Now? You want, what?" Marahan kong pinunasan ang luha ko bago magpatuloy, naramdaman kong umahon sila Migz at Tyrone mula sa pool. "Hindi na ko magtitiwala sayo Louis, sinamantala mo ang kahinaan ko!! Pati na rin ang nararamdaman ko para sayo!"

"Believe me Aria, sinusubukan ko."

"Sinusubukan mong ano? Mahalin ako? Pano mo nasasabe sa'kin na mahal mo ko kung hindi pala totoo?" Lalo ko lang sinisira ang sarili ko sa pananatili dito. Bakit sa'kin nangyayare to?

"Aria, umuwe na tayo." Rinig kong sabe ni Tyrone bago pumagitan samin ni Louis habang nakatitig sa'kin. "Don't waste your tears to the man who used you. Wala siyang kwenta."

"T-Tyrone."

"Please Aria, let's talk." Gumilid si Louis para makita ako pero mabilis siyang nakatanggap ng malakas na suntok mula kay Rone. Maging ang ilang naririto ay napasigaw sa bilis at lakas na pagsuntok ni Tyrone sa kaniya.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें