Chapter 17

123 42 3
                                    

Expect some mid-reading errors!
Don't forget to vote this chapter mga kadyosa!

Chapter 17

"Aria?" Tawag ni Mommy sa 'kin mula sa labas ng kwarto 'ko. Palakad lakad ako habang nangangatal sa kaba.

"P-po?" Tugon ko bago ngatngatin ang ilang kuko ko. Hindi ako mapakali at balisa mula pa kagabe, ni hindi nga ako nakatulog dahil sa kakakaisip sa nangyare.

"Si Tyrone nasa baba na, hinihintay ka."

Mas lalo akong nataranta nang sabihin iyon ni Mom, nagdadalawang isip pa nga ako kung papasok pa ba ako ngayon kahit nakauniform nako. Mukhang wala na kong magagawa pa!

"Aria?" Muling tawag sa'kin ni Mommy. "Ba'ka malate kayo, anak."
"O-opo, sige." Nakagat ko ang ibabang labi ko ng sabihin iyon.

"Sige bumaba kana agad." Sabe ni Mom bago ako makarinig ng ilang yabag papalayo.

Ngayon lang ako nakaramdam ng matinding hiya at pagkailang kay Tyrone. Hindi kona talaga maintindihan ang sarili 'ko, mula kagabe ay hindi mawala sa isip ko ang itsura ng boxer short niya habang may nakapaloob roon. Ewan! Nagiging makasalanan ang mga mata ko ngayon!

Humarap ako sa vanity mirror at sinuri ang sarili roon. Napapakagat labi habang ang paningin ay nasa kwintas na kaniyang bigay.

"Hindi dapat ako magisip ng ganito lalo na't magkaibigan at magkababata kame." Bulong ko habang ang paningin ay nananatili roon.

Bakit ang daming kawirduhan sa buhay ko nowadays!

Napalingon ako ng tumunog ang phone ko, dali dali kong tinignan ang nagmessage sa 'kin.

From: Unknown

Can we meet? After your class?

Sandali kong kinamot ang aking noo habang napapaisip kung sino ito. Hindi rin pamilyar ang numero ng kaniyang telepono kaya pano nito nalaman ang numero ko?

Sino naman kaya to?

Nanlaki ang mata ko ng makita ang isa pang message pero hindi ito galing sa kung sino kundi galing ito kay Tyrone!

From: Tyrone💪

Matagal ka pa ba?

Muling nagbalik ang kaba ko ng makita ang pangalan niya sa aking screen. Sunod sunod na paglunok ang aking ginawa bago ilagay ang aking telepono sa loob ng bag.

Kahit nilalamon ng kaba ay naglakas loob akong bumaba habang sinisuguro na hindi siya magagawi sa aking paningin.

"Finally." Pabuntong hininga nitong sabe ng makita ko, pero hindi ko siya binabalingan ng tingin.

"Magiingat kayo." Ani ni Dad na nasisiguro kong nasa tabi ni Tyrone. Ang paningin ko ay nananatili sa kung saan.

"U-una na kame, Dad." Natataranta kong tinungo ang labas at nagmamadaling sumakay ng sasakyan ni Tyrone, mabuti na lang at hindi niya iniwan na nakalock ang mga pinto nito kaya nakapasok ako agad.

Naramdaman ko na lang siyang sumakay at nananatiling nasa iba ang tingin.

"What happened to you?" Halata sa tono niya ang pagtataka, ramdam ko rin ang panunuri nito sa akin pero hindi ko siya binalingan, hindi ako makatingin dahil sa kahihiyan mula pa kagabe! "Purefoods?" Napabilog ang aking mata habang paningin ay nasa kung saan ng sabihin niya iyon. Alam kong naka angat ang gilid ng labi niya ngayon sa pangiinis sa'kin!

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now