Chapter 22

136 34 1
                                    

Again! Expect some misspelled words and errors! Keep reading!

Chapter 22

Hanggang sa matapos ang araw na iyon ay umiwas na sa'kin sila Allison, ni hindi ako kinausap o nagpaalam bago sila umalis pagkatapos ng klase. Maski si Tyrone ay parang hangin lang kung dumaan sa'kin. At sa kaniya ako lalong mas nasasaktan dahil mas malapit ako sa kaniya kaysa kila Allison. Si Louis ang naghatid sa'kin ng araw na iyon.

Tutal ay tapos na ang klase at naisa-ayos na ang mga requirements at direct enrolled na rin for next school year ay tsaka ko lamang kinausap sila Dad for our family vacation.

"Dad?" Agaw ko sa kaniyang pansin ng abala ito sa kaniyang laptop, sinadya ko siya rito sa kwarto nila ni Mom para makausap lang siya.

"Yes?" Tanong nito habang abala sa kaniyang ginagawa.

"Tuloy na po ba tayo this week for vacation?"

Saglit ako nitong tinignan bago muling bumaling sa kaniyang ginagawa. "Hindi ba't tuloy na iyon?"

"Naniniguro lang Dad," napapakamot batok kong aniya.

Natawa naman ito ng mahina. "Nothing change, huh?" Baling nito bago tanggalin ang kaniyang salamin sa mata.

Nagtataka naman akong nagangat ng tingin. "What do you mean?" Tanong ko. Nakangiti nitong isinara ang laptop niya at ipinatong ito sa side table maging ang kaniyang salamin.

"Noong mga bata pa lang kayo nila Migz....." nagbaba ako ng tingin ng maalala na ilang araw na kaming hindi nagkakausap dahil sa pangyayare. "...lagi ninyo akong sinasadya rito sa kwarto namin ng Mommy mo dahil sa aming lahat nila Marco, ako ang pinaka abala. Hindi ba't parang sa'kin nakasalalay noon ang pagbabakasyon natin?" Natawa pa ito ng bahagya sa kaniyang naalala ngunit hindi nasabayan iyon lalo na't hindi maganda ang sitwasyon namin nila Migz. "Sa makalawa na hindi ba ang punta natin sa batanggas?" Tanong ni Dad na nagpaangat ng aking tingin sa kaniya.

Pinilit kong hindi mautal at magpadala sa tuliro. "Opo Dad." Tugon ko bago ngumiti at mapaiwas ng tingin.

Magkakasama kaya silang tatlo ngayon?

"Alam mo na ba ang good news sa araw na iyon?" Tanong ni Dad. Muli kong sinalubong ang kaniyang tingin at pilit na ngumiti.

"A-ano po 'yon?"

"Kasama sila Tita Devine mo sa vacation natin sa batanggas,"

Kasama sila Tyrone?

Naging totoo ang aking ngiti at bahagyang natuwa lalo ng malaman iyon. "Talaga Dad?" Tumango ito. "That was great! How about Aesons?" Another tanong ko.

"Pupunta rin sila." Ngiting tugon ni Dad. "And also Greys."

Natutuwang nanlaki ang mga mata ko, after those years, "Kumpleto tayo ulit di'ba Dad?" Parang batang tuwa ko. Natatawang tumango si Dad.

Pero unti unti ring nawala iyon ng maisip ang magiging sitwasyon namin sa araw na 'yon. Binabalak kong ipakilala si Louis sa kanila sa batanggas at paniguradong magiging mainit ang pakitungo ng mga ito kay Louis.

Nung sinabe ko sa kaniya na balak ko siyang ipakilala ay halos walang mapaglagyan ang kaniyang tuwa. Sinabe ko rin na ba'ka mabigla sila Dad sa araw na 'yon pero ang tanging nasabe lang niya ay 'ayos lang basta't makahingi ako sa kanila ng tawad sa nagawa ko sayo.' Nakatuwa dahil hindi alintana sa kaniya ang maaaring mangyare.

Lumipas ang mga araw at dumating ang araw na pinakahihintay ko. Nakahanda na ang lahat ng isusuot ko habang naroroon kame sa batanggas, pinlano nila Dad na mag isang lingo kaming mag stay ro'n. Simula ng araw na magkausap kame sa kwarto ni Dad ay hindi ko pa rin nakausap sila Allis. Umiiwas pa rin sila sa akin. Alam kong nagtataka na sila Mom pero hindi lang nila ako kinokopronta.

I'm In Love With My Childhood Friend [COMPLETED]Where stories live. Discover now