(DYKH) REALIZATION

98 6 6
                                    

Ken's point of view

I was lying on my bed, playing with my hand. Nangangatal ang labi ko dahil sa pangyayaring hindi ko inaasahan. And I started recalling things from the very start as my tears cascaded down my cheeks.

I was sitting on the bench, got her phone out of my pocket. Yes, I was the one who hid it from her. Hindi ko sana balak itago pero hindi ko naibigay dahil sa sunod-sunod na pangyayari, I was also busy. Naging mahirap sumingit sa schedule ni Hazel lalo pa't nagkaroon siya ng tutorial session.

Gusto ko sanang ako na lang ang magturo sa kaniya ng mga nakalimutan at hindi niya alam, but I was also unknowledgable about architecture. I followed her here to spend more time with her. I started courting her maybe months ago?

Hazel's sweet, caring, smart—almost perfect.

No wonder why his bestfriend fell in love for her.

When I first met her, I was literally shy to introduce myself. Sabit lang ako sa bakasyon nila noon. But she didn't treat me that way, she's good at keeping the atmosphere sedate and cool, another thing to like from her.

But the happiest smile I've ever seen in her faded, replaced by the saddest cry I've ever heard. Nang malaman kong ganoon na ang nangyayari ay kinausap ko si Ate Helene.

"Hindi pwedeng tumanggap ng bisita si Hazel," Ate Helene told me.

I insisted, I just wanted to see my friend.

Kaya pinayagan nila ako.

I was too sure I'd have a crush on her, I was clear on that part. Pero hindi ko naman inasahan na hihigit sa ganoon ang nararamdaman ko. But I kept it hidden.

Until months had passed and it was still  unbeknownst.

Nang nalaman kong umalis na sa ospital si Hazel ay nagpaalam ako kay Tito Francis kung pwedeng mangamusta. Sa totoo lang ay hindi maganda ang timpla niya pero kalaunan ay pumayag din.

Hindi na ako umasang sasalubungin niya ako ng magandang bati dahil alam ko naman iyong mga bagay na dinadamdam niya.

"Hindi po ba siya bababa?" I asked Tito when they were eating lunch but Hazel was still inside her room. Hindi ba nila aalukin?

"Nahatiran na ni Helene si Hazel sa taas, hijo. Ikaw na lang ang aakyat pagkatapos na lang siguro niyang kumain." Her father gave me timid smile.

"Sige po."

When I entered her room, I didn't expect to see it... Very messed up. I hadn't been in her room but I was sure it wasn't this disorganized. Doon ko lang napansin si Hazel na naroon at malungkot na nakaupo habang pinagmamasdan ang bughaw na alapaap.

I wanted to console her and assure that everything will be fine, but how you do console a broken person?

Walang preno sa kadadada ang bibig ko. Nagpapalitan kami ng salita na alam kong makapagpapagaan ng tensyon o kahit nararamdaman niya.

Pero ang hindi ko inasahan ay ang hindi ko planadong pag-amin. Wala siya sa tamang disposisyon kaya't hindi naging big deal sa kaniya ang pangyayari. I made sure I'd be always by her side, luckily it did happen.

Hanggang sa ako na ang parang pumalit doon sa bestfriend niyang iniwan siya. Ako na iyong lagi niyang kasama. Noong nagsenior-highschool si Hazel ay ako na rin ang kasama niya. Sa akin na rin ibinilin ni Tito ang schedule ng pag-inom ni Hazel ng anti-depressant hanggang sa tuluyan na siyang gumaling.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now