(DYKH) FAIL

72 5 0
                                    

"Girl, Hangout?" Thaniea said over the phone. Inayos ko ang maleta kong nakakalat lang sa lapag at tinanggal ang mataas kong takong sa paa.

"Next time, kagagaling ko lang sa Gallery ni Jeff." I answered. Pagod ako, pagod na pagod. Kahapon lang ako dumating dito sa Vermont. Eksakto rin namang tinawagan ako ni Jeff para sa opening ng kaniyang Art Gallery.

"Bwieset talaga 'yang Jeff na 'yan. Hindi man lang ako ininvite!" Reklamo niya sa kabilang linya.

"Imposible."

"Totoo! Wala man lang text or kahit email na pinadala! Swear, manggugulo ako bukas diyan sa gallery niya. Pa-send ng location, mag-eeskandalo ako." Arte niya pa. Hindi ko na pinagtuunan pa ang pag-iinarte ni Thaniea dahil mas gusto ko na lang pumikit.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa malamig na kama. Itong bahay na ito ay bahay namin ni Thaniea. Hindi rin namin alam kung bakit sa lawak ng States, dito niya napiling tumira. Wala namang kaso sa 'kin 'yon dahil hindi naman ako gano'n ka-arte sa hitsura ng bahay.

Si Jeff din ang nagsuggest na rito bumili ng lupa dahil mataas ang elevation dito. Nagkataon naman na may bahay dito ang pamilya ni Than kaya hindi na namin kinailangan bumili, kaya pala ay dito niya gustong tumuloy.

Nakikitira lang ako, pero sabi ni Than ay sa aming dalawa itong bahay.

Madaling araw na nang maalimpungatan ako. Bumukas iyong pinto ng kwarto ko sanhi para mabalikwas ako patayo.

"Than?" Agad kong binuksan ang ilaw at ginagad ang pwesto niya. Nakabagsak na ang katawan nito sa kama ko. Lasing na naman. Inasikaso ko muna siya bago ako naman ang naglinis. Dumikit sa akin iyong amoy niya.

Bago ako mahiga ay may ibinulong pa siya.

"Y-yung result...lumabas na raw 'yung result. Result, Hazel. 'Yung hsjsdkzkaoedn-"

"Anong result?" kunot-noo kong tanong. Akala ko ay tulog na siya dahil mukhang hindi na niya alintana ang presensiya ko pero natatawa itong umupo.

"Gaga ka, 'yung result? Internship?" Nangunot ang noo ko sa sinabi niya bago mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

"Result...result... Fuck! 'Yung Result!"

Nag-apply ako for internship sa NASA months ago na ang nakalilipas. Habang naghihintay ng resulta ay pumarito muna ako kay Than Kailangan ko rin kasi munang maging U.S citizen bago ang lahat kaya inasikaso ko na agad para wala ng poproblemahin. Pabalik balik ako rito at paminsan-minsan ay umuuwi rin sa Pilipinas.

At ngayon ay dumating na...

Dumagundong ang puso ko kasabay ng pagbagsak ni Thaniea sa malambot na kama. Nakapasa kaya ako? Ito na ba? Matutuloy na ba ang pangarap ko?

Alam kong tutol si Mommy sa gusto ko pero wala namang masama kung susubukan ko. Hinalungkat ko ang maleta ko para hanapin at ilabas ang laptop ko.

Mabilis kumilos ang kamay ko hanggang sa napansin kong may natatanging email nga na galing sa ahensiyang gusto kong pasukan kahit pa intern lamang. Nakita ko rin na ilan sa kasabayan ko ay highschool students, iyong iba ay college graduate.

Gusto ko muna kasing pumasok as intern kahit pa mag-aaral pa lamang ako rito ng kolehiyo. Nagkaroon na ako ng unang taon sa Pilipinas, ngunit para sa ikagaganda ng record ko ay uulit ako ng first-year college rito. Hindi naman tutol si Daddy, in fact, he's very supportive.

He's the one who prodded me to continue studying science as my major. I've been waiting for their mail! Magandang balita ito kung saka-sakaling nakapasa nga ako. Well, I'm sure I passed, but there's a part of me telling me not to hope that high.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now