(DYKH) DAY 4 & 5

101 4 0
                                    

What Thaniea said keeps repeating in my head.

She brought thousands of what-ifs in me.

Mas lalong gumulo ang utak ko.

I never did check his state, I never asked how his day went, I never looked nor listened to him. Iyon pa lang ay pwede mo ng sabihin ng ganoon ako karamot. Mapagkait.

Hindi ko nga ba inintindi si Nath?

I'm tired of crying...

Is he tired, too?

Bumangon ako dahil hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay unti-unti ko ng nauunawaan ang gustong iparating sa 'kin ni Than. Sinilip ko lang saglit ang mahimbing na natutulog na si Thaniea bago ay mahinang kumilos palabas ng kwarto niya.

Hindi ako gumawa ng kahit anong ingay na ikagigising nila.

Nang nasa tapat na ako ng kwarto ko ay saka ko naramdaman ang pagdadalawang-isip.

Bubuksan ko ba?

Baka kung anong makita ko...

Ang ibig kong sabihin ay baka magulat siyang makita ako. Pero tulog naman siya hindi ba? Ala-una na kaya. Imposible namang dilat pa siya dis-oras ng gabi.

"You can do this, okay?" I told myself. Before entering my room, I heaved a sigh and closed my eyes multiple times.

"Ano ba, Hazel. It's just him you'll see in there. Bakit ka ba kinakabahan?" Saway ko pa sa 'king sarili. Bumilang ako ng tatlo bago napagdesisyonang pihitin ang door knob.

"Bwiset."

Hindi ko alam kung bakit may nagsasabi sa 'kin huwag ko ng ituloy. Kinakabahan ako lalo na't alam ko sa sarili kong hindi ko alam ang rason kung bakit ako bumangon at pinuntahan siya rito.

Do I want to see him?

Do I miss his sleeping face?

Bakit hindi ako mapalagay?

Sa huli ay pikit-matang sinimulan ko ang panghihimasok sa kaniya. Sa kwarto ko pala.

Nang makapasok ay agad din akong tumalikod upang isara ng mahina ang pinto. Sa aking pagharap naman ay nakita kong nakahilata lamang siya at payapang humihinga.

Bumilis muli ang tibok ng puso ko.

He looks like an angel.

I can't believe I would say it again.

Angel...just like what he was.

I carefully took a step and made my way beside him. He's sleeping, occupying only one side of the bed. I sighed. He really waited for me.

Akala niya siguro ay tatabihan ko talaga siya.

And then for a second, questions are already building up in my head.

'Why do I need to refrain myself from loving you?'

I'm not raised to break a relationship.

'Why don't I deserve you?'

Because you aren't mine in the first place.

'Why did you enter a relationship with me before? What's your intention?'

Because he just wanted to forget Thea but he didn't success.

'Why did you use me?'

...

Wala akong nakuhang sagot sa kabilang parte ng utak ko. It's like the other side believes him, and other side opposes him.

Nadagdagan na naman ang tanong sa utak ko.

Do You Know How? (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora