(DYKH) SPELLING BEE

147 19 0
                                    

"MAMAYA  na raw ang announcement sa magaganap na program."

"Oh? Akala ko bukas pa? 'di bale, Excited na 'ko!" masayang tugon ko, pagkauwi ko kahapon ay iginugol ko ang oras ko kagabi sa pagpapractice ng drawings and whatevers. Nagchat kasi ang adviser namin sa Group Chat na lahat daw ng gustong sumali sa poster making contest ay kailangang magpasa ng draft, may kinalaman daw sa technology ang tema kaya nagkaroon na ako ng ideya.

"Sasali ka?"

Tumango ako. "Ayokong mag–essay kaya sa poster ako." paliwanag ko, nakakabagot kaya ang gumawa ng essay! Saka isa pa, may talent ako sa mga poster kemerut kaya panigurado akong hindi ako magsisisi sa desisyon ko.

"Ang daya naman, essay ang pinili ko e." totoo ngang may halong lungkot sa sinabi ni Shai.

"Meron ka naman kasing talent sa pagsusulat, pagguhit naman ang akin."

"Mmm. May point ka. Saka ang daya nga ni Sir, sa ibang section kasi nasabi ng maaga yung announcement," maaga? Ibig sabihin ay matagal nang sinabi sa iba? At ngayon pa lang kami naghahanda? Paghahanda pa nga ba ang ginawa namin? Unfair!

" 'di nga?" paninigurado ko sa narinig.

Tumango ito, "Yung Daniel I? Saka Isaiah I? Maaga raw nasabi sa kanila. May kaibigan kasi ako roon!" reklamo nito sa dalawang section na binanggit niya. Ang daya nga naman!

"Unfair!" reklamo ko rito, wala pa namang teacher kaya libre pa kaming magkwentuhan, napaaga rin ako dahil nga gusto ni Shai na makita namin ang Sunrise nang sabay. Ewan ko ba at maisipan niya lang! Shai is so fond of anything connected to sun.

"Oh, 'di ba? Saka alam mo bang mamaya kapag nakapili na sila Sir sa drafts, isasabak ka agad sa competetion! Sabi sa narinig ko, ngayong December 3 ang official date ng contest, November 28 naman 'yung pagpapasa ng drafts. Ewan ko lang kung bakit ngayon lang tayo. Kakainis!"

Napahinga ako ng malalim, buti na lamang ay  dala ko lahat ng art materials ko.

"Nandyan na si Sir!" sigaw ng iilang kaklase ko. Napaayos ako ng upo at kasabay noon ang pag–upo ng katabi ko.

"Late ka na ah?" baling ko kay Renz, hindi siya sumagot at hindi na rin nasundan dahil binalot ang classroom ng matinding katahimikan. Galit nga yata.

"Good morning, Genesis I!" bati nito, tumayo kami at nagbigay bati rin.

Kasabay ng pagupo namin ay pagsusulat nito sa black board.

Essay       |         Poster      |    Spelling bee

"For those who chose essay, please submit all your papers to Ms.Daviola" at lahat ng pumili ng essay including Shai ay nagpasa ng gawa nila.

Ang mga pumili ng essay ay nagkaroon ng oras kagabi para magsulat. Kung anong isinulat nila kagabi ay iyon na talaga. Kami naman ay drafts lang at mamaya ang contest, according to Shai.

Pipili lang si Sir sa ipinasa nila Shai, Sana ay mapabilang si Shai sa mga pinili.

"Poster, to Ms.La Santa." agad kong ipinasa ang papel na hawak ko kay Jamie.

Sana mapili ako!

"Ms.Alcantara, follow me." a–ano raw? Ako ba?

At dahil hindi ko naman pupwedeng kwestyunin si Sir ay sumunod na lamang ako. Patuloy kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang tapat ng English Department.

May isang table na nasa labas at isang guro roon. May folder sa harap nito at doon pumipirma ang iilang isang estudyanteng babae.

Napansin ko ring nakalagay dito ang...OMG

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now