(DYKH) STAY

79 5 0
                                    

Pang-habang buhay nga ba ang kaibigan? Akala ko ay hindi niya 'ko iiwan. We used to promise each other that no matter what happens we'll stay by each other's side. Sa lahat ng taong pwedeng mawalan, bakit ako pa? At sa lahat ng taong pwedeng umalis, bakit si Renz pa?

I feel... Broken.

I feel... Torn.

I feel... Stabbed.

I feel... Hopeless.

Natapos ang program nang luhaan ako. Muli akong isinayaw ni Renz sa huling pagkakataon. Paulit-ulit ko siyang tinanong kung kailan ba sila aalis ngunit wala akong nakukuhang tugon kun'di ngiti.

I should blame myself, right?

Walang ibang dapat sisihin kun'di ako.

Ganito pala 'yung totoong pakiramdam ng mga nababasa ko sa libro. Iyong sinasabi nilang pagtusok ng milyon-milyong karayom, 'yung pakiramdam na parang ginupit ang puso hindi lang sa dalawa ngunit sa libo-libong parte.

Hindi na ako nakapag-paalam pa kay Nath. Umalis si Renz matapos ang huling sayaw. Sinundan ko siya ngunit huli na dahil naka-alis na ang sasakyan niya palayo sa 'kin. I want to plant in my mind that this is just a prank, a game—but I can't.

Nasa sulok ako ngayon ng kotse, umiiyak. Si kuya Biloy ang sumundo sa 'kin. Kung paano siya napunta rito muli ay hindi ko alam, saka ko na lang aalamin kapag maayos na ang lagay ko. Sa ngayon, gusto ko munang magmukmok sa isang tabi.

Nang makaparada ng maayos si kuya ay agad akong bumaba. Magmamadaling araw na rin pala. Ang inaasahan ko ay tulog na silang lahat ngunit may kung sinong sumalubong sa 'kin ng mainit na yakap. Napahikbi ako muli kasabay ng pagrereminisa ng nangyari kanina.

Bakit ba may mga taong mangangako ngunit hindi marunong tumupad?

Nasasaktan ako sa puntong ayoko ng umalis sa yakap na ito. I just want to cry all night until I feel well. Hindi ko masisigurong magiging ayos ako dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. I can't just...let him go.

But I did.

Pakiramdam ko ay nasayang ang ilang taon naming pagsasama dahil lang sa isang maling desisyon. Alam kong masasaktan ko siya ngunit itinuloy ko pa rin. What's wrong with me? Gusto ko lang naman bigyan ng chance si Nath pero bakit humantong sa ganito?

"Pahinga ka muna..." Si ate iyon. Siya pala ang sumalubong sa 'kin. Hindi ko alam kung ano na ang itsura ko. Masakit ang paa ko kanina dahil sa ginawa kong paghahabol. Natapilok kasi ako dahil hindi ko tinitignan ang dinadaanan ko.

I thought we would throw a glance at me, or at least help me get up. Pero bumilis pa lalo ang takbo niya. Ro'n ko napag-alamang buo na ang desisyon niya. I'm not a kid anymore. For months, I learned how to entertain new people in my life. I learned how to controll my feelings.

But what is something I do not know?

It is how to recover again after being left.

Who knows? Many have been in this kind of situation, some did survive.

I hope I can, too.

Paano ko bubuuin ang sarili ko kung 'yung pinaka-importante sa 'kin ay wala na? Nakakatanga kapag kasintahan ang nang-iwan pero nakakatang-ina kapag kaibigan na.

How would I compose myself altogether and pretend I haven't been shattered?

Does someone know how?

Cause I'm living for 16 years yet I can't learn how to move forward 'cause I keep looking back.

Alam ko na. Alam na alam ko na ang mangyayari. Nasasaktan ako pero wala akong magawa kun'di umiyak. Nasasaktan ako pero wala akong alam kun'di alalahanin kung anong mga pinag-gagagawa ko kaya iniwan ako ng kaibigan ko.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now