(DYKH) PARTNERS

90 8 0
                                    

"AKALA ko ba naiintindihan mo?" Ito ang salaubong sa 'kin ni ate nang pumasok na ako sa kwarto matapos kong ihatid si Nath kanina.

Wala pang kasiguraduhan kung matutuloy ang balak ni Nath ngunit kanina ay parang nagkaroon ng pag-asa. Maliwanag ang mukha ni mommy nang malaman niya ang tungkol sa pinili ko.

Bukas daw ako kakausapin ni mommy, may parte sa 'kin na sigurado na magbabago ang isip ni mommy dahil tinanong niya ako kanina kung totoo ba raw 'yon.

"Alam ko naman 'yon ate." Nakatungo kong sagot. Medyo hindi maganda ang awra ni ate ngayon dahil hindi raw ako tumupad sa pangako ko.

The don't be sweet promise.

Sabi nito'y sumasakay lamang siya kanina dahil natutuwa siya sa ugali ni Nath ngunit hindi ko alam na sinundan pala ako ni ate nang ihatid ko si Nath. She even heard me saying honey.

Akala niya raw ay si Nath lang ang gano'n, mas okay pa raw kung si Nath lamang ang gano'n umakto sa aming dalawa ngunit hindi magugustuhan ni ate kung pati ako ay magiging gano'n kalambing.

"Let him be sweet, but don't let yourself to be as sweet as him, too." Matabang niyang ani. Lalo pa akong napatungo ro'n. Hindi ko naman sinasadya na tawaging honey si Nath dahil nadala lamang ako sa emosyon.

I felt like I needed to be cheesy that time.

Pakiramdam ko ay kailangan kong ibalik ang pagiging malambing sa 'kin ni Nath kanina. Napakagat ako ng labi nang maalala ko ang pagtawag ko sa kaniya at kung paano ko ito sinabi.

"Hindi naman ka-sweetan 'yung sinabi ko kanina."

"Eh, anong tawag mo ro'n?" Taas-kilay nitong tugon. Napanguso ako lalo na nang bakas ang pagiging seryoso sa kaniyang mukha. Hindi talaga si ate nagbibiro.

Sinubukan kong maghanap ng salita ngunit hindi ko rin alam kung saan hahanapin ang isasagot ko.

"Siya nga pala, bakit 'di mo pa sinasagot 'yon?" Dinaluhan na ako ni ate sa kama, magkatabi na kaming nag-uusap ngayon. Kanina kasi ay nakatayo siya para humugot ng kung ano-anong salita para sa sermon.

Oo nga pala, natapos na't lahat ang bithday ko ngunit hindi ko pa rin sinasagot si Nath. Tama bang sagutin ko siya gayong ang pakiramdam ko lang naman ay gusto? Tanging pagkagusto.

"‘di ko naman mahal ate, e." Nakalabi kong ani. Halatang nagulat si ate sa ibinigay kong sagot ngunit napalitan agad ang kaniyang ekspresyon ng tawa. Anong iniisip niya?

"Who says you can find love at 16?" She asked in between her laugh. I pouted.

Eh?

Napa-isip naman ako ng malalim dahil do'n. She's right, wala namang nakakahanap ng pag-ibig sa ganitong edad. Besides, we have mutual feelings, he likes me—I like him. A lot.

Ngunit hindi ko rin maiaalis sa 'kin ang pangamba. Paano kung katulad ng nangyari kay ate at kuya Ethan ang sa 'kin? Ang kami ni Nath? Paano kung maghiwalay lang din naman kami sa dulo?

You can't expect me to just be calm here.

Is it okay to enter relationship at this age?

Wala namang mawawala hindi ba?

Hindi na rin naman ako bata na hindi alam ang tama at mali. I should decide by myself. Hindi ko dapat hingin ang opinion nila dahil ako naman din ang pipili sa huli.

But another thing that bothers me, si Renz. Ayos lang ba siya sa magiging desisyon ko? He's my bestfriend after all. Hindi ko na rin siya nakaka-usap nitong nakaraang araw, is he okay?

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now