(DYKH) MINUTE

100 9 0
                                    

Nagising ako ng namamaga ang mata. I cried all night nang ipahayag sa 'kin kung paano at saan ako lilipat. Naawa ako kay mommy nang sabihin niyang malaking epekto ang nangyaring pagkasira ng aming hekta-hektaryang pananim sa Tarlac.

Ang rason ng paglipat namin ay gusto niyang matutukan kami sa pag-aaral lalo na't kung hindi masusunod ang gusto ni mommy ay siya ang mahihirapang mag-asikaso sa Tarlac at ang uwi ay dito pa sa Cavite.

Wala ng kumontra nang sabihin ni mommy na ayaw niya lamang mahiwalay sa 'min kaya't kailangan naming lumipat. She also mentioned a friend that could teach me about plates and all architecture things I must know. I badly wanted to complain or just simply convey my disagreement through sigh but their ears were too focused to hear my statement.

"Napag-usapan na natin 'to kagabi, hindi ba?" Ito ang sagot sa 'kin ni mommy nang ipa-alala ko sa kaniya ang ite-take ni ate na course at mapapadali kung dito niya itutuloy 'yon.

"Pero mommy, sila ni kuya Elvin, paano sila?" Umaasa kong tugon. Nagbaba ng kutsara si mommy at huminga ng malalim bago ako sagutin. I can sense that she's having a hard time answering my non-sense questions, dahil kahit anong mangyari ay matutuloy pa rin.

But I can't leave my friends!

"Don't worry about their relationship, sweetie. They can handle that."

"How about me? My friends?"

"You still have time to prepare."

Hindi ko na tinanong pa si mommy dahil maaga rin ang pasok niya sa trabaho. I purposely woke up this early para maabutan ko siya ngunit sayang lang at hindi niya naman ako pinakinggan. Ilang minuto lang simula nang umalis si mommy ay bumaba na rin si dad.

Hindi ako umalis sa lamesa at hinintay ang aking ama na maupo sa pwesto ni mommy kanina.

Pinaningkitan ako ng mata ni daddy nang ngumiti ako sa kaniya. Hinintay kong ilapag ni ate Selya ang almusal ni daddy bago ako nagsalita.

"Tuloy po ba talaga?" I hopelessly asked. Tinugon ako ni daddy ng ngiti at ginulo ang buhok ko ng bahagya.

"It depends, hindi mo ba gustong lumipat?" Ipinagpatuloy ni daddy ang pagkain kaya't naghanap ako ng isasagot. Actually, I'm not prepared with the architecture thing. Also with the adjustment, hindi ko kayang magsimula kung may iiwan akong hindi pa tapos.

Umiling ako bilang sagot, natigil si daddy sa pag-nguya.

"Why?" He curiously asked. I bit my lower lip before answering.

"Nandito ang mga kaibigan ko, dad." Nalulungkot kong sagot. Bagamat tama ang rason ko, pakiramdam ko ay hindi sapat iyon para tumaliwas sa kagustuhan ni mommy. I kind'a miss Renz, ni hindi siya nagmessage 'nung nakaraan nang sabihin kong walang pag-asa.

Hanggang ngayon ay naghihintay ako ng message mula sa kaniya ngunit tulad kahapon ay wala akong natanggap mula sa kaniya. I sighed with my negative thoughts.

Rejection

Does it hurt?

"I'll talk to your mom." Hindi na ulit nasundan ang pagtatanong ko dahil sa paggising ng kambal. Inako ko ang gawain at ako ang nagpakain sa dalawa. Pinigilan pa nga ako ni Hayden dahil daw ay 'big boy' na sila ngunit itinuloy ko pa rin.

"Uhm, dad?" Nang paalis na ito ay hinabol ko siya palabas ng gate. He stopped and smiled at me. Ngayon ko lang naabutan si dad bago siya pumasok sa trabaho. I hugged him for a while and spilt my thoughts out.

"Dad, I rejected Renz..." I confessed. Tipid itong ngumiti at inaya niya akong ituloy ang kwento ko sa loob ng sasakyan. I complied as I thought of the moment when I did reject him.

Do You Know How? (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant