(DYKH) PROM

95 8 0
                                    

Play 'Can I have this dance' by Vanessa Hudgens and Zac Efron

- - -

Hindi na ako nagtanong pa dahil mabilis ang lakad niya tungo sa covered court. Nalilito pa rin ako hanggang ngayon. Anong nangyari? Bakit siya?

Hindi naman niya ako nakakaladkad ngunit masiyado talagang mabilis ang hila niya kaya't inis kong hinigit ang kamay ko sa kaniya. He stopped dragging me. Sa aming dalawa, ako ang dapat galit ngayon. He declared a 'friendship over' without my permission. He decided without hearing my opinion. All because of him!

I must be mad! I want to cry!

Bakit ganito si Renz ngayon? Okay, I understand that he lost his father, he got rejected, and now he lost me. Dapat ako ang sandalan niya ngayon, ngunit siya mismo ang tumibag sa sandalan na 'yon. Bakit gano'n siya?

Naramdaman ko ang pagtutubig sa gilid ng mata ko kaya't agad ko iyong pinahid bago pa niya ako lingunin.

"Malapit ng magstart ang program, bakit ka huminto?" He faced me. His visage is void of any emotion-but his eyes couldn't lie.

Ramdam ko ang lamig ni Renz ngunit mas lamang ang lungkot na hindi na nakayanan ng mata niyang hawakan. His eyes are too tired to handle emotions, too tired to hide what he really feels, too tired that I can see how lonely he is.

"Renz," I pleased. Kakaunti pa lamang ang narito, hindi maaaring magsimula ang program. Wala na akong pakialam kung masira ang make-up ko. Ang importante ngayon ay siya, ang importante ngayon ay ang marinig ko ang rason kung bakit gano'n na lang ang naging desisyon niya.

My first heart ache...

...is from my best friend.

"Hmm?" Tamad nitong ani. Inililihis niya ang tingin sa kung saan kapag sinusubukan kong tagalan ang titig niya. Wala pang luha ang tumutulo ngunit ang tensyon sa pagitan namin ang napakabigat, napakalungkot.

"Why?"

"Anong bakit?" Maang-maangan niyang sagot. Hindi ko alam ang dapat kong isagot sa kaniya. Should I laugh sarcastically? Should I cry because he acted like some expert prevaricator in front of me?

"Bakit ikaw ang nandito? Nasaan si Jacob? 'yung escort ko?" Seryoso kong tugon na nakapagpatigil sa kaniya. Mabibigat na hininga ang pinakawalan niya bago niya malamlam na sinalubong ang mata ko. Bigla akong nakaramdam ng awa.

Gusto kong yakapin si Renz sa mga oras na 'to.

Ngayon ko lang din napansin ang kaniyang suot. His black tuxedo suits him. His red tie complements my dress. His hairstyle is different now. Renz looks like a gorgeous angel sent down here to be my partner.

Natigil ang pagsusuri ko sa kaniya nang isang babae ang lumapit sa 'min. She's wearing a royal blue gown that fits her body. She's glimming as the light passes through her.

"Excuse me po. Pinatatawag kayo ng adviser niyo sa Marcos building, mag-aattendance muna raw po." Sabi niya ngunit kay Renz lamang siya nakatingin. Saglit lamang siyang binalingan ni Renz at agad din namang itinuon sa 'kin ang atensyon niya.

Tumango si Renz kaya't nakaalis na ang babaeng halatang may gusto sa kaniya. May parte sa 'kin na natutuwa at mayroon ding hindi. Nawala ang tensyon sa pagitan namin, balak ko na lang siyang tanungin pagkatapos ng event na ito.

Akma ko na muling hahawakan ang kamay niya nang makarinig kami ng samu't saring sigawan. And there, I spotted Nath walking like an action star receiving an award, like a Mayor campaigning, and like a prince in a fairy tale.

Nakatingin ito sa direksyon ko at seryoso ang ekspresyon na nakikita ko sa kaniya. Dumagdag iyon sa angas at presko niyang datingan. Kaya pala may mga tumili, masyadong agaw pansin ang presensya niya.

Do You Know How? (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang