(DYKH) INTRAMURALS

107 13 0
                                    

"TINTIN! Kakain na!" tumigil muna ako sa pag-s-sketch para sa darating na nutrition month. Tumayo na ako at nagstretch ng kaunti. Nakakangalay!

Hindi ko pa nasasabi kay mommy at ate ang nangyari. Kating-kati na ang dila kong sabihin pero gaya ng sabi ni ate Selya, ang tamlay ko raw tignan.

Lumabas na ako sa kwarto at tinungo ang kusina.
Isang malamig na hapunan na naman para sa'kin.

"Where's your ate? Tawagin mo na." utos ni mommy kay Hay nang makaupo ako. Naramdaman ko naman agad ang mga tingin na naka-atang sa'kin.

"Pray na po tayo." 'yon na lamang ang sinabi ko para maiwasan ang usapan habang hinihintay namin si ate. And there, we prayed and ate without ate Tin. Sigurado akong mamaya pang dis-oras ng gabi kakain 'yon. Gusto ko na talagang sabihin kay ate. Lagi na lang kasi siyang nagkukulong sa kwarto at ako lang talaga ang pinapapasok niya.

"Ano ba 'yang nangyayari sa ate mo?" Biglaang tanong ni mommy sa gitna ng pagkain namin. Tumingin ako kay Daddy at tinaasan din niya ako ng kilay.

"Baka po...puyat lang." pagdadahilan ko.

"Puyat? Gabi-gabi? Baka naman buntis  na 'yan?"

Nabilaukan ako sa sinabi ni Mommy! Gosh, paano niya naisip 'yon?

"Mommy naman!"

"Oh, bakit? Baka nahihiya lang magsabi 'yan." naiiling na lang ako sa pinagsasabi ni mommy. Si daddy naman ay natatawa na lang din. Hinampas pa ni mommy si daddy na dahilan ng pagtigil nito.

"Kausapin mo 'yang anak mo, ha?"

"Chill, hon. Para ka namang walang tiwala sa anak mo."

Hinampas ulit ni mommy si daddy na tinawan lang naman siya. Hayyss, sa harap pa ng hapag naglampungan.

"Puro ka biro! Ni hindi natin nalalaman kung marunong nang humalik 'yang anak mo!" galit na saway ni mommy. Tumuloy lang ako sa pagkain at hindi na nakisama pa sa biruan nila.

"Aba, malas ka pala kung gano'n?" natatawang banat ni daddy.

"FRANCIS!"

"Nako, sabi ni Elvin e marunong daw 'yang si Helene. Sabi ko na nga ba't tama akong nagmana  'yan sa'kin." natutuwang ani Daddy.

Natapos ang hapunan nang maayos at masaya...sila. Gusto ko man sabihin pero parang wala akong lakas kausapin sila. Ayoko namang makitang umiyak pa lalo si ate habang sinasabi ko sa kaniya 'yon.

Pagkatapos mag hugas ng plato ay umakyat na'ko para matulog. Linggo ngayon at may pasok na naman bukas. Nakakawalang gana. Hindi ko na na-chat si Renz kung papasok ba siya bukas. Para akong nasa sitwasyon ni ate. Ang kaibahan nga lang, kaibigan ko lang  si Renz.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat akong bukas na ang ilaw sa kwarto ko. I left the lights off, ah? I let my eyes roam, And there, I found ate lying on my bed, crying. She seemed like she didn't notice me so I walked towards her and put my hands on her shoulder, slightly rubbing it.

"Ate." I called her. Tumigil siya sa pag-iyak at ilang segundo pa nang umupo ito galing sa pagkakahiga.

"Where's Elvin?" unang tanong niya sa'kin. Bigla ay naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Parang may nagbara sa lalamunan ko dahil lamang sa tanong na 'yon. Nagugulahan din ako! Renz told me that kuya Elvin's attending school but why would my sister ask me this kind of question?

"Ate..."

"May sinabi ba si Renz sayo? Si Elvin, nakikita mo ba? Online ba si Renz? Pwede ba nating tawagan?" She asked, incessantly. I wanted to answer those questions she threw off me. But if felt wrong. I don't wanna meddle with kuya Elvin's plan. Pero siguro, mas madadalian akong sabihin kay ate kapag binigay ko na sa kaniya 'yung regalo ni kuya Elvin.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now