(DYKH) VACATION

86 7 0
                                    

"MAGBIHIS NA KAYO!" utos ni mommy sa dalawa kong kapatid. Nahihirapan si Hayden isuot ang kaniyang pantalon kaya't tinulungan ko ito. Lalapitan ko na sana si Harrison nang bigyan ako nito ng masamang titig. Tuloy ay mag-isa siyang nag-aayos ng kaniyang buhok.

Hinatak ko si Hay hanggang sa mapaupo ko ito sa kandungan ko. Nasa kwarto nila ako ngayon para asikasuhin sila. Si ate ay nakatoka sa pagkain, si daddy ay inaayos ang sasakyan, si mommy naman ay inaayos ang gamit nila. Ang alam ko ay naka-impake na sila ngunit dino-double check lang ngayon.

Sinuklayan ko si Hayden at nang manggigil ay pinaulanan ko ng halik sa pisngi. Ito ang dahilan kung bakit ayaw sumama sa'kin ni Harry—clingy raw akong ate. Napansin ko ang nagseselos na titig ni Harry nang nakita niya ang ginawa ko ngunit agad din itong tumalikod.

"Halika na kasi dito!" Aya ko at sumunod naman ito. Pinag-ayos ko na ng gamit na dadalhin nila si Hay at si Harry naman ang iniupo ko sa kandungan ko.

"No kiss." Paalala niya bago ako magsimulang suklayin ang buhok niya. Natatawa ako habang pinoporma ang ayos ng itim na itim niyang buhok.

"Ew!" Ingit nito nang nakawan ko siya ng halik sa pisngi. Ang gu-guwapo ng mga kapatid ko. Pinagpatuloy ko ang pagsuklay sa buhok niya.

Lumapit si Hay sa 'min dala ang maliit niyang bag at umupo sa tabi ko. Malambing niya akong tinawag kaya't napairap si Harry at napalingon ako kay Hay.

"Sasama po ba si kuya Renz?" Nakangiti niyang tanong. Hindi ko alam kung ngingitian ko ba ang kapatid ko o babalewalain na lang ang tanong niya.

"Hindi." Sagot ko at ibinaba si Harry. Napapansin ko na ang pagbabago nila, pati ang height at mukha nila ay mas nagmamature ngunit hindi naman pa nagbabago ang ugali nila. Para pa rin silang bata kung kumilos, si Harry lang siguro ang ipinanganak nang mature ang ugali.

"Why would he come? This is a family vacation." Masungit na tugon ni Harry.

"He's part of the family!" Giit ni Hay.

"He's not." Tamad na sagot ni Harry baho kinuha ang gamit niya at isukbit ito sa likod niya. Itong isa naman dito ay paiyak na.

"Ate, tell Harry that kuya Renz is your boyfriend!" Pagsusumamo ni Hay at hinihila-hila pa ang kamay ko. He pouted when I smiled, I ruffled his hair and gave him another peck.

"Renz is just our ate's friend. Nathaniel is her boyfriend." Pinal na sabi naman ni Harry na may kasama pang pag-iling. Kinuha nito ang kamay ko at isinama sa pag-alis niya, tuloy ay ang kamay ko na hawak ni Hay ay nawala sa mahigpit na posisyon.

"Bad ka na, ha?" Sita ko sa inasta niya. Huminto ito hinarap ako. Hindi pa kami nakakalayo masyado sa kwarto nila ni Hay kaya ramdam ko rin ang yabag ng paa nito palapit sa 'min ni Harry.

Maluha-luha akong niyakap ni Harry na kung bakit at paanong nangyari ay hindi ko alam.
Ilang saglit pa ng humigpit ang yakap nito sa bewang ko kaya't tinapik ko ang likod niya.

"Stay strong, ate. We're always here for you."

Hindi ko alam ang sasabihin dahil ngayon lang naman naglambing ng ganito si Harry. Muling tumakas ang luha sa mata ko na agad ko ring pinahid upang hindi nila makita.

"I won't leave you like what kuya Renz did. I will protect you from them. Please don't cry every night, ate." Nagulat ako sa sinabi niya kaya't inilayo ko siya sa pagkakayakap sa'kin at yumuko upang magpantay kami.

"Pumapasok ka sa kwarto ni ate?" Mahinahon kong tanong.

"Opo." Nahihiya siyang tumungo bago sumagot. Kung gano'n ay nakikita niya at naririnig ang bawat pag-iyak ko sa gabi. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko. Bakit nga ba hindi ko maiwasang hindi sisihin ang sarili ko sa nangyari? Malamang ay dahil totoo naman kasing ako ang puno't dulo ng lahat.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now