(DYKH) HOMETOWN

117 11 0
                                    


Mabilis tumakbo ang oras at ngayon ay recognition na, Lahat ng kasali rito ay iyong mga may averege grade na 90 pataas, ganoon pala sa public? pero never mind that part, 'di hamak naman na mas masaya dito kaysa doon sa pinanggalinangan kong school. Isa ako sa nakakuha ng silver medal, iyon ang sabi sa'kin ng adviser ko, si Shai nalang ang hinihintay ko ngayon. Naka kuha kasi siya ng bronze, si Renz naman ay nasa likod ko ngayon, at yung mga magulang namin ay nakaupo na.

Nasa pila kami ngayon, anim na kaklase ko pa ang agwat namin ni Renz kay Shai, Nasa unahan ako ni Renz dahil "Alcantara" ako at "Alzafaro" ang apelyido niya, si Shai naman ay "Montenegro" kaya medyo dulo pa.

"Renz, tagal ni Shai! Dadating pa kaya iyon?" kinakabahan kong tanong dahil siya na lang ang kulang sa Genesis I. Palinga–linga pa ako hanggang sa matigil ang mata ko kay Shai na kasama ang lola niya! Gosh! Kaya pala matagal dahil nagmake–up pa ang loka!

"Oh, ayan na pala e." sambit ni Renz nang palapit na si Shai sa direksyon namin.

"Congrats!" batian pa namin sa isa't isa, at dahil mukhang hindi pa naman magsisimula ang program ay hinila ko si Shai papunta kila mommy.

"Uy, ano ka ba! Nakakahiya." bulong nito nang nakalapit na kami, nagtatago pa sa likod ko.

"Mom, dad si Shai po, kaibigan ko." pagpapakilala ko kay Shai sa pamilya ko, mainit naman na tinanggap ang aking kaibigan, nag–hug pa sila ni mommy. Naku! Si papa naman ay nakikiuso kaya nag fist bump pa sila!

"Cool ng parents mo." komento nito. Napangiti na lang ako, syempre ay gusto kong ipakilala siya dahil siya ang una sa pinakauna na naging best friend ko, 'yung totoo, ah? Minus na yung sa elementary. Pero kung usapang Renz naman, siguro parehas sila. Si Renz sa kaibigang lalaki, at Shai naman sa babae.

"The program will start any minute now." anunsyong narinig namin kaya bumalik na agad kami sa pila.

Tawanan lamang ang naririnig ko, hindi talaga ako magsisisi na siya ang babaeng tinanong ko kung nasaan ang building ng classroom namin noon, sobrang ideal bestfriend siya! Kung alam niyo lang, Nagsimula ang program sa isang dasal na sinundan naman ng Lupang Hinirang hanggang sa nagtuloy-tuloy iyon.

Sa pagtatapos ng programa ay naramdaman ko ang lungkot lalo na ng nag-usap kami ni Shai habang kumakain sa canteen, ang mga magulang ko naman ay nauna na, ang lola naman si Shai ay nauna na rin, hindi naman katandaan ang edad at itsura.

"Ganoon ba 'yon?" nahihirapan kong tanong, ang sabi niya'y malaki ang posibilidad na hindi na kami maging kaklase sa susunod na taon. Kung minamalas nga naman talaga.

"Oo, lalo na ngayon. Ang layo ng average grade mo sa'kin."

"Ang daya naman no'n, grade lang ba ang basehan?" nag-iinarte kong tugon, naiisip ko pa lang na mahihirapan akong makipagkaibigan ay hindi ko na alam ang gagawin. How do I approach someone ba?

"Relax, sis. Kung sakaling next year hindi ulit tayo magkaklase, baka i–request na lang natin kay Renz, pwede 'yon 'di ba?"

Biglang pumasok ang isang ideya sa utak ko, bakit nga ba nakalimutan kong tita ni Renz ang isa sa teacher ng mga second year?

"Hala." ang tangi ko lang nasabi, ang kanina'y pangamba ko ay napalitan ng excitement!

"Oh, 'di ba?"

Tumango ako.

"Speaking of, nasaan ang isang 'yon?"

"Umuwi na."

"Aga ah–"

"Syeeet!" sigaw ko nang naalala ko kung bakit maaga siyang umuwi, pinaalalahanan nga pala ako nila mommy at daddy na may pupuntahan kami mamaya.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now