Kinalampag ko ang lamesa at tumingin sa kaniya ng masama. She rolled her eyes on me and resumed what she's doing.

"Umayos ka nga, Than! Sino nga kasi?"

"Ewan ko!"

"ANO?!"

"HINDI KO KILALA!"

Natampal ko ang sariling noo sa ginawa niya. I look problematic right now, contrary to her facial expression.

"Bakit parang natutuwa ka pa?"

"Gwapo kasi." She giggled. She looks like she's imagining the flawless visage of the guy. Thaniea is not Thaniea if she doesn't have a fecund imagination.

"Akala ko ba ‘No to Pre-marital sex’ tayo?" Kunot noo kong tanong sa kaniya. Itinaas nito ang paa sa lamesa at mas pinag-igihan pa ang pag-iimahinasyon.

"Akala ko rin, e."

Napasentido ako sa sinabi niya. Sa ginawa kong iyon ay dumapo sa akin ang kaniyang paningin.
Hula ko ay may iniisip na itong hindi kanais-nais sa kaluluwa ko.

I raised a brow.

Ilang sandali pa nang lumawak ang pagkaka-awang ng labi nito. Na para bang may bagay siya na ngayon niya lang natuklasan.

"Ano 'yang tingin na 'yan?"

"Oh my gosh! Virgin pa lips mo?" Bigla ay dumalo ito sa 'kin. Kusang umikot ang mata ko sa kaniya. Hindi ko gusto kung saan pupunta itong usapan namin. Kinuha ko muli ang gamit ko sa lamesa at sa hindi naman sinasadyang pagkakataon ay nasagi ni Than ang baso dahil sa paghahabol nito sa 'kin.

Napapikit ako ng mariin sa nangyari.

Lumalim ang paghinga ko.

"Hala, sorry!" Nawala sa paningin ko si Than at nang bumalik naman ito ay may dala na siyang pamunas. Kumuha na rin ako at tinulungan siya. Pumunta ako sa lababo upang pigain iyong ginamit kong pamunas.

Nang matuyo iyong parte na nabasa ay napabaling ako sa kaniya para malaman kung napunit ba ni Than ang plates ko. Iniangat niya iyon at tumutulo pa ito. Bumalik ako sa pagpipiga nang bumuka na naman ang bibig ni Thaniea.

"Nathaniel?"

Napatigil ako sa ginagawa nang marinig ang pangalan na iyon. Napa-angat ang tingin ko sa harapan. Nasa likod ko kasi Thaniea at sa klase ng pagpapakawala niya ng hininga ay alam kong nagtataka siya.

"Sino 'yung Nathaniel, Hazel?" Sunod niyang tanong. Narinig ko ang paglipat ng papel—mukhang sinusuri niya lahat ng ginawa ko.

"Look, oh. May naligaw." Napakiramdaman ko rin ang paglapit niya sa 'kin. Muli akong tumungo at pinagpatuloy ang pagpiga sa basahang ginamit.
Naghugas lamang ako ng kamay at pumaroon muli sa lamesa para pulutin ang mga nahulog na papel.

"Sino 'yung Nathaniel? Top 1 niyo dati? Ganda ng gawa, oh! Malinis!" Alam kong namamangha si Than sa nakita. Ngunit ipinagtataka ko kung bakit mayroon ako nitong papel.

"Kanito 'tong bahay? May pirma, oh! Alam ko...pirma mo 'to, e. Ganitong-ganito 'yon, kanino 'yung isang pirma?" Pilit niyang ipinakikita sa 'kin ang papel. Halos ipagsusukan niya ito sa harapan ko para lang makita ko.

"Pirma ko nga." Tumayo na ako matapos magpulot. Hinarap ko siya.

"Nathaniel stole my first kiss. That's who he is. A thief, a deceiver and..." Napahinto ako.

"...a sucker."

"Wait—A SUCKER!?"

"A soccer, uhmm a s-soccer player. Yes, he's a player. In fact, we had a game and I lost. But I can't deny the fact that the game he gave was fun enough to deceive me. I lost not the game—but the player."

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now