Natatakot ako na baka hindi na pala dapat...pero itinuloy ko pa. What's my purpose here? Display?

May Thea na siya, bakit...bakit pa 'ko maghahabol? Bakit pa ba ako nandito? Bakit kailangan kong malinawan gayong malinaw naman ang lahat!? He fell out love. Anong hindi kaintindi-intindi ro'n?

"Alis." Hindi si Thea iyon. He's too cold. Totoo kayang sweet siya kay Thea kaya malamig siya sa 'kin? Sa'kin lang ba siya ganoon? Napuno muli ang utak ko ng mga tanong.

"U-usap tayo." Pakiusap ko. Nakatitig lang ako sa mata niya, umaasang may magbago. But my hopes died when he looks at Thea like he is asking permission.

Ako dapat iyon.

A-ano bang mali sa nagawa ko?

Thea rolled her eyes on me that made me wanna punch her face. But my attention instantly focused at Nath when he let go of Thea's hands.

He did it so carefully...

Just like a gem he could ever hold.

At sa isang kilos nilang iyon, muli akong nadurog.

"Talk."

"Talaga bang hindi na hihigit sa isang salita ang sasabihin mo?"

"I said talk."

Inayos ko ang aking sarili sa harapan niya. Even my teary eyes became dry. Isang minuto ko iyong ginawa bago ay ngumiti ako sa kaniya. I know that my smile wouldn't reach my eyes but I'm hoping that it would reach his heart.

"T-tapos na ba tayo?" I'm too dumb when it comes to relationship, but can't he just clarify things to me? Nasasaktan na kasi talaga ako.

"Us? Yep." He playfully said. Sinabi niya iyon na para bang laro lang ang kami. For the nth time, my heart's torn apart. Bakit siya ganito? Can't he understand my situation? Can't he stay until I became better?

Can't he?

"P-pero parang kahapon lang..." Humikbi ako sa harapan niya. Hindi ko kayang magpanggap na malakas kahit sa loob-loob ko ay durog na 'ko. Wala na ata ako sa tamang pag-iisip nang simulan kong itukod ang tuhod ko sa sahig.

I held both of his hand and placed it against my face.

Hindi ko alam na sa ganitong sitwasyon ko muling mahahawakan ang kamay niya. Hindi talaga kapani-paniwala. Bakit parang...bakit parang ang bilis naman?

Nagsawa ba siya kaiintindi sa 'kin?

Sa sitwasyon ko?

Sa buhay ko?

Sa problema ko?

O sa akin mismo?

"K-kailan ka babalik...sa'kin?" Bulong na lang ang nakayanan ko sa dulo.

"A-anong...nagawa ko, Nath?"

"Bakit mo 'ko gina-ganito? Sagutin mo lang lahat...titigil ako." Malinaw sa 'kin ang mahal niya pa si Thea. Malinaw, inintindi ko kahit masakit. Ang hindi ko lang maintindihan ay kung bakit biglaan?

Hindi ko alam na dadating ako sa puntong luluhod ako...huwag lang akong bitawan.

Walang pasintabing inalis niya ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Thea whispered something on his ears and left. Kami na lang dalawa. Pagbibigyan niya kaya ako kung hihilingin kong mag-usap kami sa bahay?

But he's not safe there...

Galit si Daddy...

"Tumayo ka diyan." Utos niya na kaagad ko ring sinunod. Muli kong pinigilan ang aking paghikbi. Iniling-iling ko ang ulo ko nang pumasok sa isip kong hindi ako sineryoso ni Nath. He's my first...He said it himself, but he also said he'll do anything to be my last.

Do You Know How? (COMPLETED)Where stories live. Discover now