"Isn't obvious that Deanna has rich, respectful and powerful parents?" Medyo may pagkamayabang na tanong ni Mom.

"Hindi ito tungkol sa yaman. Hindi dahil sa hindi kami ganoon kayaman ay hindi namin napalaki ng mabait at masunuring bata si Jema.
" Sagot ni Mama.

"Uhm baka gusto niyo po ng makakain o maiinom?" Pag-iiba ni Jema ng topic para mawala na rin ang tensyon sa mga magulang namin.

"Hindi na iha." Dad answered. "Sa tingin ko, hindi kami magkakasundo ng mga magulang mo Jema."

"Sa tingin ko rin." Gantong ni Papa. I cleared my throat.

"Mom, patigilan mo si Dad." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin.

"Mabuti pang umalis na kayo dito." Sabi ni Papa. Halata sa mukha ni Jema ang pagkagulat dahil sa sinabi ng Papa niya.

"Pa! Kakarating lang nila pinapaalis mo na agad?" Tanong nito.

"Jessica, hindi welcome ang mga pamilya ng mga matapobre dito sa apartment mo." Galit na sagot ni Papa at tumingin ng masama samin.

"Hindi namin akalaing ganito pala ang mga magulang mo Deanna. Hindi na kami pumapayag sa relasyo niyo at baka hindi makatiis si Jema sa pag-uugali ng magulang mo." Sabi ni Mama. Sh*t! Sabi ko na nga ba hindi maganda ang mangyayari ngayon.

"Mabuti pa ngang maghiwalay na kayo ng babaeng ito Izabella. Baka masira pa ang buhay mo kung ipagpapatuloy mo ang pakikipagrelasyon sa kanya." Dad said in a serious tone.

"No! Kung may problema kayo nila Mama at Papa, kayo ang mag-usap. Wag niyo namang idamay ang relasyon namin ni Jema." Maluha-luha kong sabi at tumayo. "We already talked about this Dad. Kahit anong mangyari, ipaglalaban ko si Jema."

"Wala kaming magagawa Izabella. Eh sa hindi namin makasundo ang mga magulang niya." Sabi ni Mom.

"Baka pwede niyo pa pong pag-usapan toh. Opo, hindi po kami mayaman pero kaya ko ring bigyan ng magandang buhay si Deanna." Medyo kinilig ako sa sinagot ni Jema. Hihihi.

"Hindi Jessica. Hindi na kami pumapayag sa pagmamahalan niyo." Seryosong sabi ni Papa at tumingin samin. "Umalid na kayo."

"Hindi po ako aalis hangga't hindi ko kasama si Jessica. Hindi ko po kaya ng wala siya." I sincerely said and looked at Jema.

Narinig kong bumuntong-hininga si Dad atsaka...


















"HAHAHAHAHAHAHAHAH!" Sabay-sabay silang tumawa samantalang kami nila Jema at Mafe ay gulat na gulat.

"Ang galing mo dun Pare." Natatawang sabi ni Dad sabay akbay kay Papa.

"Wait! What's happening!?" Tanong ko at nagsitigil naman sila sa pagtawa.

"Lahat ng ito ay napagplanuhan namin iha." Sabay ngiti sakin ni Mama.

"Para saan Ma?" Tanong ni Jema.

"Napatunayan namin na kahit anong mangyari, kahit hindi kami magkasundo ng pamilya ng nobya mo ay hindi niyo pa rin isusuko ang isa't isa." Sagot ni Mama. Nakahinga naman ako ng maluwag.

"I thought hindi kayo okay sa isa't isa." I sighed.

"You're wrong anak. Sa toto nga e magkasundong-magkasundo kami ng mga magulang ni Jema." Sabi ni Mom atsaka kumapit pa sa braso ni Mama. Natawa naman kami.

"So you mean nagkasama na kayo bago pa kayo pumunta sa dorm kanina?" I asked.

"Yes anak. We've been here yesterday. Kami na ang nagpapunta kina kumpadre dito para naman makapagbonding tayo kasana ang pamilya ni Jema." Sagot ni Dad.

Napatakip na lang ako ng bibig. Tila ba'y hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

"Scripted lang ang peg?" Singit ni Mafe. Pasimpleng tumango sila Dad.

So ayun, we asked few questions pa about sa mga nangyari before sila magkita ngayon. Lumabas na pala sila Dad, Mom, Papa at Mama kahapon. They planned all of this para daw makita nila kung sigurado na kami ni Jema sa isa't isa dahil ayaw nilang masaktan kami.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant and we are going to have some family merienda? Bago yun ah HAHAHAHA! Syempre kasama na rin si Mafe. Hindi nakasama ang mga siblings ko dahil busy nga. Hayyy, sad :(

"Kasalan na ba ang susunod Pare?" Tanong ni Dad at umakbay kay Papa na nasa left side niya. Nasa right naman si Mom na katabi ni Mama na kaharap kami ni Jema na nasa left ko at si Mafe na nasa right ko. Gets niyo ba? HAHAHA.

"Dean, patapusin mo nga muna sa pag-aaral si Sachi. Ano ka ba." Sagot ni Mom at simpleng kinurot si Dad.

"Tama ka Mare. Mas mabuti kung maka-graduate muna itong si Deanna bago sila bumuo ng sariling pamilya." Nakangiting sabi ni Mama.

Nagkwentuhan pa kami hanggang sa dumating ang order.

.....

"Deans! Magkwento ka naman oh." Pangungulit sakin ni Pongs nang makapasok ako sa room.

Kakauwi ko lang and sila Dad at Mom ay tutuloy muna sa isang hotel malapit dito samantalang sila Mama at Papa ay doon muna sa apartment ni Jema. Manonood muna daw sila ng game namin bago sila umuwi.

"Pongs naman e. I want to rest na." Pabagsak akong dumapa sa bed.

"Pleaseeeee." Nakanguso niyang sabi.

"Oo na." I sighed. Paniguradong hindi ako titigilan nito kaya wala akong nagawa kundi ikwento sa kanya lahat ng ganap kanina pati na rin ang tungkol sa naging bonding nila Mom at parents ni Jema.

"Sana all." Tanging nasabi ni Ponggay pagkatapos kong magkwento. "I'm happy for you Wongskie."

"Drama mo Pongs." Natatawa kong sabi. Agad naman niya akong binatukan.

"Sinusuportahan ka na nga tapos madrama pa ang tawag mo dun? Ang sama mo talaga sakin." Naiiyak niyang sagot. Natawa na lang ako sa inasta niya at nag-ayos ng upo.

"Pero seryoso, masaya talaga ako para sa inyo. Ngayon ko nakita sa mata mo ang tunay na happiness. Kahit anong mangyari Deans, nandito lang kami ah. Wag mo kaming kakalimutan." She hugged me na ginantihan ko rin ng yakap.

"Of course Pongs. I'll never forget my second family na todo ang pagiging supportive sa naging journey ko. I love you all."

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now