Chapter 27

6.1K 121 4
                                    

Deanna's POV

Nakakailang weeks na rin kaming magkakasama ng mga Cool smashers and like what I've said, I'm going to court Jema again. Secret na kung paano. Hehehe. Nahuli na sila Mich, Ricci at Fhen. Enough na daw yung voice record para ikulong sila. I'm also happy cause Dad already cancelled the fixed marriage chuchu and he already accepted me and Jema kahit nililigawan ko pa lang siya ulit. Hihihi. A day after ng naganap na panghuhuli sa tatlo, sumunod dito sina Mom, Achi, Ditch, Joseph and Peter. They're really happy because they already meet Jema daw. I'm also happy na kasama ko ang whole fam, teammates and my love.

So enough sa pag-eexplain, naglalaro sila ng beach volley at napag-isip-isip kong mag jetski tutal meron kami dito sa resort.

"Hey guys, sino gustong mag jetski?" Tanong ko sa kanila. Tumigil naman sila sa paglalaro.

"Me."

"Ako."

"Sama rin ako."

Halos lahat naman sila gustong sumama so I decided na dalawang person ang sasakay sa isang jetski.

"Kayo na ang bahala kung sino ang partner niyo." Agad kong nilapitan si Jema at inakbayan. "Syempre ako ang partner mo." Sabay wink sa kanya.

"Aray! Nilalanggam ako Jia." Pagpaparinig ni Ate Ly.

"HAHAHA! Tara na nga." Aya nila. Sasakay na sana ako nang biglang lumapit si Achi.

"Sachi, sakay din kami."

"Sure Achi. Basta dalawa kayo sa iisang jetski." Sagot ko at tumango siya. Sumakay na ako samantalang si Jema naman naiwang nakatayo sa harapan ko. "Ano hinihintay mo? Maging puti ang uwak? Sakay na!"

"Eh kasi natatakot ako." Kamot batok niyang sagot kaya natawa na lang ako.

"Don't worry, hindi kita hahayaamg mahulog. Sakin ka lang pwede ma-fall."

"Tumahimik ka na nga lang dyan!" Masungit niyang sabi at sumakay na siya.

Humawak siya ng mahigpit sa tiyan ko dahil mabilis kong pinaandar yung jetski.

Halos mabasag ang eardrums ko dahil sa sigaw niya. Isang malakas na palo ang natanggap ko pagkababa namin.

"Aray! Wala pa ring kupas yang palo mo ah. Masakit pa rin." Pagmamataktol ko at sabay kaming naglakad.

"Pano kaya ang bilis bilis mo! Sinabi ko na ngang natatakot ako e." Inis niyang sagot.

"Natatakot kang mawala ulit ako sa buhay mo?" Inakbayan ko siya at ngumisi.

"Banat pa more." Bulong sakin ni Ate Bei at naunang naglakad.

"Bahala ka dyan Wong." Iniwan ako ni Jema. Ano ba naman yan! Ang hilig nilang iwan ako.

"Wait lag Jessica!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon kaya hinabol ko siya. "Ito naman hindi mabiro." Tanging irap lang ang natanggap ko. Nandito kami sa isang kubo and we are having a merienda.

"Ang sarap ilaglag itong si Kyla. Parang walang bukas kung sumigaw." Kwento ni Risa.

"Grabe ka sakin Sato. Mas lalo na kaya itong si Jemalyn. Buti nga natiis siya ni Deans. HAHAHA!" Turo naman ni Kyla kay Jema sa tabi ko na tahimik na kumakain

"Hoy Wong, anong ginawa mo kay Jema? Bakit nananahimik yan?" Tanong sakin ni Ate Jia pero si Ate Bei ang sumagot.

"Eh pano puro banat ang ginawa Ate HAHAHA!" Asar niya sakin kaya nakatanggap siya ng batok kay Ate Mads.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now