Chapter 26

6K 141 9
                                    

Jema's POV

Lahat kaming Cool Smashers at Lady Eagles ay nasa iisang kwarto ngayon. Ipinaliwanag lahat ni Ate Jia at ibang teammates ni Deanna ang nangyari. Hindi kami makapaniwala sa lahat ng nalaman namin. Ang hirap ng pinagdaanan ni Deanna at ng mga Lady Eagles. Sinacrifice nila ang playing year at yung pag-aaral para lang matulungan si Deanna. Oo, nagalit ako kay Deanna dahil nawala na lang siya bigla. Pero hindi ko alam kung kaya ko ba siyang intindihin dahil nasaktan din ako.

"May 1 month pa kami dito. Susulitin na namin ang mga araw na nandito kami dahil babalik ulit kami sa Manila after nun." Sabi ni Maddie.

"Mabuti naman kung ganon. Okay ka lang Jema?" Napatingin naman silang lahat sakin dahil sa tanong ni Ate Ly.

"A-ah ako? O-oo naman." Shit! Bakit ako nauutal?

"No you're not." Seryosong sabi ni Deanna. "Kung naguguluhan ka pa rin, you can talk to me."

"No need. Narinig ko na lahat." Sagot ko at naglakad palabas.

"Walk out na naman?"

"Jems!"

"Saan ka na naman pupunta?"

Rinig kong mga sabi nila pero hindi ko pinansin. Ano ba yan! Hindi man lang siya nagsorry pagkatapos ng mga nangyari. Oo may pinagdaanan siya pero patas lang kami noh. May pinagdaanan din ako.

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko pero nasa bandang likuran na ako ng resort. Naupo ako saglit at bumuntong hininga.

"Do you believed us?"

"Ay palaka!" Nagulat ako dahil may bigla na lang nagsalita. Nilingon ko naman siya at nakacross arms pa habang papalapit siya sakin.

"Sa gandang gwapo kong ito, mukha akong palaka?" Nakangising tanong niya pero inirapan ko siya.

"Sinabi ko bang palaka ka?" Mataray kong sagot. Naupo siya sa tabi ko. "Bakit mo ako sinundan? Ha?" Inis kong tanong sa kanya. Gustong kong mapag-isa tapos susundan niya ako? Nakakainis talaga!

"Dahil ayoko nang malayo ulit sayo." Sagot niya habang nakatingin sa kawalan. "Kayo na ba ni Fhen?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kanya.

"No!" Napalakas ata yung pagsagot ko.

"Don't shout at me. I'm not deaf!"

"Sorry naman. Hoy Wong, kahit iniwan mo ako hinding-hindi na ako papatol ulit dun."

"Ahhh... So you mean ako pa rin ang mahal mo." Natatawang sabi niya.

"Assuming ka." Pairap kong sabi.

"Bakit? Hindi ba totoo?" Tanong niya. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakitingin siya sakin at naghihintay ng sagot.

"Ha?" Kunwari hindi ko narinig.

"Jema naman ehh." Pagmamaktol niya pero hindi ko siya pinansin. "I'm sorry okay? Lahat ng narinig mo kanina, totoo. Maybe my brain lost a lot of memories but my heart still remembers how much I love you."

Natamaan ako sa sinabi niya. Tama naman siya, nakalimot ang utak niya pero ang puso niya hindi.

"Fiancè ko nga si mich pero hindi ko ginusto yun Jema. Si Dad ang may pakana ng lahat." Dagdag pa niya.

"Alam ko." Maikling sagot ko na ikinunot ng noo niya.

"What do you mean?"

"Wala ako sa tamang posisyon para sagutin ang tanong mo Deans." Sagot ko kaya napabuntong hininga na lang siya.

A VolleyLife With You Where stories live. Discover now